Chapter 7 - Bahala Na

231 10 4
                                    

" Anong ginagawa natin dito? " Tanong ko sakanya dito sa harap ng ice skating.

Pano ba naman papasok na ako ng apartment ko nang bigla niya akong buhatin at sinakay sa kotse niya kanina. Nakakagulat, masyado siyang breezy!

" What else do you do on ice? Sleep? " Maski namimilosopo, ang cute niya parin. Hay..

" Ayoko. " Napatingin siya sakin.

" Bakit naman? " Nakangiti niyang tanong.

" Hindi ako marunong. " I said with crossed arms.

" Tss. Madali lang yan, tuturuan kiga. Let's gooo! " Naghilahan pa talaga kami bago tuluyang makapasok kasi di talaga ako marunong. Nagbayad na kami at dinikitan ng sticker sa kamay. Pagkatapos non ay kumuha na kami ng tig-isang skating shoes.

" Ano? Halika n- " Paglingon sakin ni James ay bigla siyang napangiti.

" Ako na.. " Nakangiting sabi niya. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan muna ang kaliwa kong paa at pagkatapos ang kanan. Ang galing niyang magsuot, pulido at hindi maluwag. Ang gaan ng kamay niya, mukang iniingatan niya talaga ako.. (*.*)

" Game? " Tumayo na siya maski medyo mahirap dahil wala pa kami sa ice at inilahad ang kamay niya sa harap ko.

Tinignan ko muna ang kamay niya.

Kaya ko ba to?

Ugh..

Bahala na!

Ngumiti nalang ako at hinawakan ang kamay niya. Sabay kaming lumakad papasok sa ice maski mahirap.

" Muka kang penguin! Hahahaha! " Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa!

" Good-looking penguin. " Pagkokorek niya. Totoo naman eh.. Na muka siyang penguin hahahaha!

Siya muna ang umapak sa ice at umikot-ikot muna ng konti at sunod ay inalalayan na ako. Nakakatayo siya ng maayos, ang galing.

Unang tapak ko palang, muntikan na akong tumumba, buti nalang at hawak talaga ako ng mabuti ni James.

" Kaila, feet like this.. " Ipinakita niya sakin kung pano ang tamang paggalaw ng paa.

Ah.. Ganon ba.. Ang hirap naman..

" Copy my feet.. Right.. Left.. Right.. " Woah! Feeling ko natututo na ako ng konti!

" Right.. Left.. Right.. Left.. Ingat.. I'm just behind you.. "

" James... " Di ko namalayan, wala na palang nakahawak sakin, nakaka-skate na ako mag-isa! Yay! Maski mabagal at diretso lang nga.

Kaso sa saya ko, di ako nakaconcentrate, nagkamali tuloy ako, nadulas ako. Ah!!!

Napakabilis ng mga pangyayari. Ang bilis kong nadulas pero may mabilis ding sumalo sakin.. Si James. Sinalo niya ako ng dalawang kamay sa likod.

" I got your back. " Sabi niya sakin ng may nakakalokong ngiti. Bakit parang siya nalang lagi ang nakakasalo sakin? At bakit ba ako laging nadadapa! Tss.

" ... " Natulala lang ako sakanya na walang dahilan..

" I will never get tired of catching you everytime you fall for me. " Bulong niya sakin. (*.*)

Hinihingal ako.. Ang lakas din ng tibok ng puso ko. Nakakabingi. Kaya napahawak ako sa dibdib ko.

Ano ba tong nararamdaman ko..

Huli ko itong naramdaman kay.. Tristan..

Agad akong bumitaw sakanya.

" Kaya mo na? Mahulog ka. " Nakahanda parin siyang saluhin ako sa likod..

Napangiti ako bigla nang patago. I already did.

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon