" Lasing ka pa? " Tanong sakin ni James habang papunta na kami sa airport.
" Sa tingin ko hindi na.. Thank you. " Tinaas ko ng konti ang binigay niyang kape sakin. Nakatulong kahit papano.
" How are you feeling? "
" Medyo masakit pa ang ulo ko pero.. Wala to. I'm gonna be okay. " Ngumiti ako sakanya.
" Remember, nilagay ko na sa maleta mo ang gift natin para sa kapatid mo. Baka di mo mahanap. It's in the zip pouch in the third pocket inside, okay? " Paalala niya.
Teka!
" Parang mas makulit ka pa sa daddy ko ah? Ibang level ang concerned eh." Nakangiting tukso ko sakanya.
" Tss. " Binalik na niya ang tingin sa daan.
***
" Mamimiss mo ba ako? " Tanong ko nang paliko na kami papasok ng airport.
Tinabi niya bigla ang sasakyan at lumingon sakin.
" Oo.. Seriously, I'll miss you. " Nakakatunaw ang titig niya ngayon. Siguro kung totoo nga yon, sabaw na sabaw na ako ngayon.
(*.*) Narinig mo yon, Nadine? Mamimiss ka daw niya! Huhu.
' Ikaw sobra kong mamimiss! ' Yun ang gusto kong isigaw pero hindi pwede.
" Uh- N-nandito na ba tayo? " Tumingin-tingin nalang ako sa labas kung nasaang terminal na kami. Nakakailang na eh.
" Yes. " Aw.
Bumaba na kami at kinuha ang mga bagahe ko. Tinulungan niya ako sa pagdadala nito hanggang sa may entrance.
" So. " Simula ko..
" Hanggang dito nalang.. " Hanggang dito nalang ang akala kong love story natin diba?
" Goodbye. " Sabi niya sakin ng nakangiti.
" B-bye.. " Sinubukan kong ngumiti pero tipid ang lumalabas.
" Wala ba akong yakap diyan? " Naiiyak kong tanong sakanya habang nakabuka ang dalawa kong kamay, naghihintay ng isang yakap niya.
Niyakap niya ako ng matagal..
" Ingatan mo si Kaila ah. " Mas hinigpitan ko ang yakap ko.
Di siya sumagot at nanatuling tahimik lang." B-bye. " Pagkasabi ko non sakanya ay tumalikod na ako at naglakad palayo. Pagkatalikod na pagkatalikod ko sakanya ay agad naglaho ang ngiti ko.
Ngayon ko na naramdaman lahat.. Ngayon na nagsisink in sakin ang lahat.. Mag-isa nanaman ako. Iniwan nanaman ako ng isang mahal ko sa buhay. Pagod na pagod na ako. Lagi nalang ganito.
Lumingon ako sa kinatatayuan ni James kanina bago pumasok ng building pero.. Pero w-wala na siya dun. Nararamdaman ko na naman ang sakit na maiwan.
(||~||) Pati ang kotse niya ay wala narin. Umalis na siya.
Umalis na siya.. And that breaks my heart.
Nagsimula na ulit akong maglakad papasok ng building. Kasabay ng pagpasok ko ang di mapigilang pagtulo ng mga luha ko.
Ito na nga siguro ang kapalaran ko.. Ang masaktan ng paulit-ulit.
Yumuko nalang ako at pinunasan ang mga mata ko. Goodbye, Austrailla.

BINABASA MO ANG
You Are The One
FanfictionCan a mistaken identity find your true love? Can you be the one even if you were never really that one? Sa airport sila unang nagkakilala.. Sa airport din kaya ang ending nila?