Chapter 2 - The Meet Up

416 14 0
                                    

" Kaila! " Sumigaw ako sakanya. Nakita ko siyang mabilis na naglalakad palayo.

Tinignan ko ang hawak kong bagay.. ' HOW TO BE HAPPY '. Ang librong binibigay ni Kaila sakin kanina, hindi ko alam kung naiwan niya sa upuan niya o sinadya niya talagang iwan sakin to. Tss.

Tumakbo ako sa direksyon kung san ko siya huling nakita pero pagdating ko dun.. Wala na siya. Ang bilis namang maglakad non.

" Nasan na yun.. " Muka na siguro akong giraffe ngayon.. Mali pala, magandang giraffe. Kakatingin ko sa paligid.

Naisipan ko munang maglakad-lakad dito sa airport, baka sakali ring makasalubong ko siya.

***

15 minutes na akong paikot-ikot dito sa airport at walang nangyayari. Hay. Napatingin ako sa harap ko, isang coffee shop. Tamang-tama, nagugutom na ako.

Papasok na sana ako ng may biglang may humawak sa balikat ko.

" Kaila? " Pagkalingon ko ay napatulala ako.

Ang gwapo niya.. Ang hot niya.. Ang gwapo niya talaga.. Ah shit! Nakailang gwapo na ba akong nasabi?

" Kaila? " Natauhan nako kaya tinanggal ko ang balikat ko sa kamay niya. Ano daw?

" James Reid, remember? Book! " Winagayway niya ang librong hawak niya.

Binasa ko, ' HOW TO BE HAPPY '. Kaya napatingin ako sa hawak ko. ' HOW TO BE HAPPY '. Pareho!? Nanlaki ang mga mata ko. Okay tapos?

" The meeting place? " Masayang turo niya sa coffee shop na nasa harapan namin.

" Excuse me? " Lumayo ako konti sakanya. Anong pinagsasasabi niya? Kidnapper ba to? Tapos nangre-rape!? Wag naman.. Sa gwapo niya..

" We talked in that popular dating website, aight? " Ano? Dating website? Kaila daw?

Shit. It's all making sense to me now.

" Uh- S-sir, I'm afraid you're mis- "

" Sir? Haha. Kaila, I'm James! " Pinakita niya nanaman yung librong hawak niya sa pagmumuka ko. Oo! Nakikita ko! Ang laki-laki ng ngiti niya ah!

So akala niya ako yung ka-meet niya? Si Kaila? Hala.

" I'm no- " Haist. Hindi nanaman niya ako pinatapos.

" You're Kaila Trumph, right? Hehe. I'm sure because of the book and the coffee shop. "
Tinitigan ko lang siya nang di ko namalayang nakangiti.

" Ah! You! J-james! " Parang kumislap ang mga mata niya sa mga narinig niya sakin. Nadine! Ano ba tong ginawa mo?! Hindi ikaw yung totoong kausap niya!

" I knew you are the one! Yes! " Sabay ngiti niya sakin ng nakakaloko.

" Y-yay? " Bakit ba ako umoo? Ano ba tong gulong pinasok mo?

Hay. Ewan ko ba. May kung ano sakanya na mapapaoo ka nalang. Muka siyang mabait at masarap kasama. Dagdag mo pa na ubod siya ng gwapo.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng bigla nalang niya akong hinalikan sa pisngi. What was that!?

" Shall we go? "

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon