" Nadine, paano kita matutulungan kung ayaw mong magkwento? " Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
" Wala nga, ate.. Kasal mo na! Marami ka pang dapat na ibang iniisip na mas importante. " Sagot ko.
" Kahit anong sabihin mo.. Alam kong may mabigat diyan sa dibdib mo. "
" ... " Tinignan ko lang siya. Ayoko parin.
" At kung ayaw mo mang ishare yon, naiintindihan ko, okay? Basta nandito lang ako para sayo lagi. Ha Nadine? Tandaan mo yon. " Nginitian ko nalang muli siya.
" Ay! Ate! May ibibigay nga pala ako sayo! Gusto ko ako unang magbibigay ng regalo sayo. " Tumakbo ako sa maleta ko at hinanap ang regalo ko sa ate ko.
Nasan na yun? Kinapa ko ang mga bulsa ng maleta ko sa labas pero wala.
' zip pouch in the third pocket. ' Naalala ko na. Yun!
" Ate. " Inabot ko ito sakanya. Isa iyong pigurin.. Pigurin ng isang dalawang magkapatid. Tinignan niya lang ako na parang maiiyak na. Mukang natouch. Hehe.
" Ate!!! Wag kang iiyak! Masisira ang make up mo! " Naudlot ko yata ang pagtulo ng mga luha niya.
" Ikaw talaga! " Pinalo niya ako ng mahina. " Pero salamat.. " Sabi niya habang nakatingin sa regalo ko.
" By the way. " Sabi niya bago lumabas ng kwarto ko.
" You look stunning. "
***
Bumaba na ako sa sala. Ang daming tao.. Ang daming kung ano-ano. May mga camera, nagme-make up-an pa, at nagtatakbuhan. Busy ang lahat para sa kasal.
Napag-isip-isip kong pumunta muna sa garden habang may konting oras pang natitira bago kami pumunta lahat sa simbahan.
Buti nalang at solo ko ang garden ngayon. Hay.. Umupo ako sa isang bench dito at tumingin sa kalangitan. Maganda ang panahon ngayon.. Hindi masyadong tirik ang araw at hindi rin naman masyadong makulimlim. Tama lang.
I sighed. Ano na kayang ginagawa ni James ngayon? Natawa ako sa sarili. Bakit ko pa ba siya naiisip ngayon. Mas pinapahirapan ko lang ang sarili ko.
Nagkita na kaya sila nung totoong Kaila? Sila na kaya? Masaya na kaya silang dalawa ngayon? Ang sakit parin palang isipin ang mga yon.. Tss.
" Miss Nadine? We're leaving in 5. " Naputol ang pagdradrama ko dito nang may tumawag saking crew.
" Sige susunod na ako. " I gave one last glance at the skies then left the garden.
BINABASA MO ANG
You Are The One
FanfictionCan a mistaken identity find your true love? Can you be the one even if you were never really that one? Sa airport sila unang nagkakilala.. Sa airport din kaya ang ending nila?