Diary ng Babaeng Bitter

3.5K 71 10
                                    


This story has been rated PG. Reader's discretion is advised. This may contain 'cringe' situations. Beware. Lol.

The story, names, characters and incidents portrayed in this work are fictitious. Hence, THIS IS A WORK OF FICTION. No identification with actual persons, organizations, religions, places and products is intended. Unauthorized reproduction or distribution of this work in any form or manner is prohibited.

Expect grammatical errors, wrong spellings and etc. in this story. This is not edited. Please bear with me. And if you're looking for a perfect story, please look for an another work to read. Tenchu. :)

*****

Dear Diary,

Kumusta ka naman? Okay ka pa ba? Chos!

Kailan kaya ako mapapansin ni Blake my love? Matutupad pa kaya 'yon, Diary?

Kailan ang tamang araw na pagbigyan kami ng kapalaran? Sana sa lalong madaling panahon na iyon, Diary. Kasi siya lamang ang makakahilom nitong sakit na nararamdaman ko. Siya lamang ang makakapuno nitong pangungulila ko.

Bukod sa pag-aaral at paglilinis ay siya lamang ang laman ng aking isipan. Nababaliw na siguro ako, Diary. Baliw. Nababaliw sa kanya. Chos!

Diary, bakit ang drama ko? Siguro kung papasukin ko ang pag-aartista ay papatok ako sa takilya. Ang ganda ko kasing umiyak. Baka nga, Diary, may stalker ako sa tabi-tabi o 'di kaya'y may taga-media at kumalat pa ang maganda kong mukha sa internet.

Huhuhu. Bakit kasi ako ipinanganak na maganda? Pero anong silbi ng kagandahan ko kung 'di niya naman napapansin. Nganga.

"Oh my Ampalaya!" napasigaw ako.

Huhuhu. Diary, muntik akong madaganan ng natumbang puno buti na lang nag-u turn. Diary, bakit ayaw ni Mother Earth makisabay sa aking pighati? Huhuhu. Chos! Baka mabagsakan na naman ako dito!

Tumayo ako galing sa pagkakaupo malapit sa natumbang puno. Nagsimula akong maglakad palayo roon at tinungo ang mas malayong parte ng parke. Umupo ako sa upuang gawa sa kahoy at inilapag ang dalang kulay berdeng kwaderno na kasing laki ng isang normal na aklat sa mesang gawa rin sa kahoy.

Luminga muna ako sa paligid upang masigurong walang punong nakapaligid at mabagsakan na naman ako. Mas mabuting nang manigurado at baka maging-kill joy na naman si Mother Earth. Nang makasiguro ay itinuloy ko ang pakikipag-tsismis kay Diary.

Diary, minsan parang gusto kong makipag-break,

lumayo,

mapag-isa,

at maging malaya,

kaso natanto kong single nga pala ako!

Ihanap mo naman ako, Diary. Chos! May Blake my love na ako. Peytful kaya ako!

Muntik nang mamatay pero maganda pa rin,

Betty

P.S. Sana mabagsakan ng puno si Blake my love tapos dapat nandoon ako para kung mawalan siya ng memorya ay ako ang unang makikita niya. Chos!

P.P.S. Joke lang, Diary. Joke lang po, Popshie. Ayaw ko namang masaktan si Blake my love.

*****

© 2020, demzselINdistress. All rights reserved.

Diary ng Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon