Page 15

112 1 0
                                    

Page 15

Mundo

Hindi ako makapaniwala na sarili kong repleksyon ang aking nakikita sa salamin. Ang aking mahabang buhok na noon ay aabot sa bewang ay hanggang balikat na lang ngayon.

“Pinutulan ko ang iyong buhok kasi mas bagay sa ’yo,” ani Tita Chopsy nang mapansing sinusuri ko ang aking buhok.

“Wow, Neng! Bagay sa ’yo,” saad ni Landie habang lumalapit patungo sa kinaroroonan ko. Hinawakan niya ang aking buhok at sinuklay ito gamit ang kaniyang mga daliri sa kanang kamay.

“In fairness, ang smooth,” hindi makapaniwalang saad niya. “Anong magic ang ginamit mo, Tita Chopsy?”

“Muriatic acid at tiyaga,” sagot naman nito na ‘di mapigilan ang pag-alpas ng tawa.

“Joke lang.” Bumaling si Tita Chopsy sa akin at nginitian ko lamang.

“Maraming salamat po,” ani ko at hinawakan ang kaniyang mga kamay.

“Naku, wala ‘yun. Natural ka naman talagang maganda, hindi lang naaalagaan,” aniya at pinuri pa ako.

“Hindi naman po.” Inilagay ko ang ilang takas na buhok sa aking kaliwang tenga. “Konti lang.”

Bumungisngis si Tita Chopsy at binatukan ako ni Bakla. “Pinatulan mo talaga ang joke ni Tita Chopsy, Neng?” natatawang tanong niya.

“Joke ba ‘yun, Tita Chopsy?” tanong ko.

“Hindi, hindi,” saad nito na ilang beses umiling.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Ngayon ko lamang napansin ang mga detalye ng lugar. Ang bawat sulok ay mayroong salamin. May isang napakalaking engrandeng ilaw na nakabitin sa kisame. Agaw pansin ang bagay na ito dahil sa napakinang nito kung nadadaanan ng ilaw. Pang mayaman ang lugar na ito.

"Now, that we're done with the make-over, we should get going na. We have a lot of things to do." Bumaling si Landie kay Tita Chopsy at bumeso rito. "Thank you, Tita."

Nginitian ko si Tita Chopsy. "Salamat po."

"No problem. Basta balik kayo, ah!" saad nito.

Pagkalabas namin sa lugar na iyon ay tinungo namin ang isang lugar na puno ng mga aksesoryang pampaganda.

Nakabuntot lamang ako kina Baks habang sinusuri nila ang mga produkto. Palinga-linga lamang ako dahil hindi pamilyar, o mas magandang sabihin na isa akong estrangherong taga-bundok na napagpasyahang bumaba at makisalamuha sa taga-patag. Isang batang musmos na ngayon lamang naranasan at nasaksihan ang mga pagbabago at ang mas malaking mundo.

Mahirap mabuhay sa mundong 'di mo kilala. Sa mundong ang mga pagbabago ay nangyayari araw-araw.

Kapag ikinulong mo lamang ang iyong sarili at balewalain ang mga pagbabago, at sa oras na napagpasyahan mo nang imulat ang iyong mga mata at tanggapin ang mga ito, sana hindi na huli ang lahat kung saan 'di mo na makilala ang mundong naging parte ng iyong buhay noon.

Kung ganoon, huli na kaya ako?

Mas mabuti bang sabihin ko sa kaniya habang 'di pa tuluyang nagbabago ang mundo niya? Ngunit, may magbabago kaya kung ipagtatapat ko? Mabuti kaya ang kahahantungan nito o masasaktan lang ako?

Masaktan. Nakakatakot ang salitang ito. Kahit sabihin man nilang mas mabuting ipagtapat mo ang iyong nararamdaman kaysa itago lamang ito at ikaw lamang ang nakakaalam pero may mga tao kasing katulad ko. Marupok. At madali lamang makaramdam. At masaktan.

Mas masaya naman ang panoorin lamang siya sa malayo kaysa iwasan ka niya dahil alam niyang 'di niya masuklian ang pagmamahal mo.

"Betty, anong mas gusto mo, 'yung dark or light?"

Diary ng Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon