Page 11

131 3 0
                                    

Page 11

Rhance

Naitulos ako sa aking kinatatayuan habang gulat at nagtataka pa rin sa presensya ni Senior Rhance. Nakangiti siya habang ino-obserbahan ang nagkalat na mga aklat sa paligid. Kinunot niya ang kaniyang noo nang ilang segundo ngunit bumalik ulit ito sa dati niyang masayahing awra.

Napatingin siya sa akin. "Scholar ka dito, Betty?"

Inilapat ko ang aking kanang tuhod sa sahig upang pulutin ang apat pang naglalakihang aklat. "Oo," sagot ko at nginitian siya.

Tumayo ako galing sa pagkakaluhod ngunit nawala ang balanse dahil sa mabigat na hawak-hawak. Linapitan agad ako ni Senior Rhance at inalalayan akong tumayo.

"Tulungan na kita, Betty."

Kinuha niya ang mga hawak kong aklat at ni hindi siya nahirapang ilagay ito sa pang-apat na palapag.

Tinungo niya ang iba pang mga librong naorganisa ko na. "Pati ba ng mga ito?"

"Huwag na po, Senior. Kaya ko na po." Lumapit ako sa kaniya upang kunin ang mga aklat ngunit itinaas niya ito sa ere upang hindi ko maabot.

"Ako na dito," saad niya na natatawa. "Magpahinga ka na lang, Betty. Saka, yakang-yaka ko 'to!"

Medyo nagulat ako dahil sa mga katagang binitawan niya.

Sinunod ko ang gusto niya at umupo sa sahig habang pinagmamasdan siya. Ang swabe ng kaniyang mga galaw. At walang bahid na anumang disgusto sa kaniyang mukha.

Ang bait at ang gaan ng paligid.

Hindi ko namamalayan na nakahalumbaba ako at nakangiti si Senior Rhance na nakatingin sa akin. Lagot! Baka sabihin nito pinagnanasaan ko siya.

Pumikit ako at inilagay ang dalawang kamay sa aking mukha. Nagpakawala ako ng isang napakalalim na buntong-hininga.

Si Blake lang ang pagnanasaan ko habang buhay. Tama!

Iminulat ko aking mga mata at nadatnang itinutupi ni Senior Rhance ang kaniyang suot na puting long sleeves. Bumakat sa damit ang mauumbok na laman sa kaniyang mga braso.

Ngayon ko lang napansin na hapit na hapit pala ang suot niyang damit at nakasuot din siya ng puting pantalon at puting sapatos. Hindi halatang mahilig siya sa puti, ha.

Kung si Berdugo siguro ang magsusuot ng ganitong mga damit ay magmumukha siyang shanghai na binalot sa lumpia.

Napaiwas ako ng tingin nang mapansin kong nakatitig na si Senior Rhance sa akin.

Upang maibalik ko ang gaan ng aking pakiramdam ay itinuon ko na lang ang aking pansin sa mga librong nakaligtaan kong i-organisa. Para hindi na rin mahirapan si Senior Rhance.

Lumipas ang tatlumpong minuto at sa wakas ay natapos din. Tumayo ako galing sa pagkakaupo at pinagpagan ang pantalon kong suot.

Lumapit si Senior Rhance sa akin at inabutan ako ng tubig na nakalagay sa puting lalagyan.

"Maraming salamat, Senior."

Nginitian niya ako at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng pawis.

Nang masiguro naming patay na ang lahat ng ilaw at natanggal ang lahat nang nakasaksak ay napagpasyahan naming lumabas na ng silid-aklatan. Si Senior Rhance ang nag-lock ng pintuan dahil ibinilin iyon ni Ma'am Peppa nang makita niyang nandoon siya.

Ang kaninang maliwanag na silid-aklatan ay nababalot na ngayon ng kadiliman.

"Halika na, Betty," saad ni Senior Rhance nang masigurong na-lock nang maayos ang pintuan.

Diary ng Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon