Page 16

78 4 2
                                    

Page 16

Bryce

Taimtim kong pinagmamasdan ang bawat kilos ni Dra. Cadillac. May mga aparato siyang ginagamit na ngayon ko pa lang nakita. At mga bagay na ipinahid niya sa aking mukha.

Halos sampung minuto na rin akong pinagdidiskitahan ng ekspertong mga kamay ni Dra. At kahit wala akong kaide-ideya kung anong pinaggagawa niya ay G na G pa rin ako.

Sa kabilang banda, nakaupo si Bakla't Juday sa puting sofa at relax na relax habang may hawak na magazines. Nakikita ko sila mula sa kamang hinihigaan ko. May salamin kasing dibersiyon.

Kahit bago lamang ang mga karanasang ito sa 'kin, I thrust Dra. naman, eh.

"Are you alright, Betty?" tanong ni Dra.

"Okay lang po ako," sagot ko na may kasamang pagtango. "Bakit niyo naman po natanong?"

"Mukha ka kasing ninenerbyos," saad niya.

Ano ba ang mukha ng ninenerbyos?

"Well, don't be afraid. Hindi naman masakit ang mga proseso rito. You can handle it," dagdag ni Dra.

Hindi naman sa natatakot ako. Mas nangingibabaw nga ang kaba ko kesa takot. Nakapagtataka na bigla na lang ako kinabahan sa resulta. Kinakabahan ako sa mga maaaring maidulot nito sa 'kin sa mga susunod na mga araw.

Mas kinakabahan ako sa posibilidad na may makapansin, pero mas mabuti na rin 'yung wala na lang.

"Okay, Betty." Naagaw ni Dra. ang aking atensyon. Naramdaman siguro niya na ang lalim ng iniisip ko. "I'm going to use this," aniya at may ipinakitang isang aparato.

Tumango ako upang ipaubaya sa kaniya ang aking mukha. "Para ito sa pores mo," saad niya at sinimulan ang paggamit ng aparatong iyon sa aking mukha.

Makalipas ang ilang minuto, natapos din si Dra. May kakaiba akong nararamdaman. Biglang ang gaan ng aking mukha. Mukha na siyang fresh.

Napatingin ako sa napakalaking salamin, ay iba! Mas mukha na akong fresh kesa sa bagong pitas na kamatis. Mamula-mula ang aking mukha at mukha na itong konkretong kalsada na 'di kinorakot.

"Betty," pagtawag-pansin ni Dra. upang sa kaniya ko ituon ang aking atensyon. "Dapat araw-araw mo itong gamitin," saad niya at saka ipinakita ang isang bagay na sa tingin ko ay para sa mukha. "Ito ang gagamitin mo na panghilamos, at saka ito naman ang ipapahid mo sa iyong mukha pagkatapos mong maghilamos," ani Dra.

"Para saan po ang mga ito?" tanong ko dahil sa kuryosidad.

"Makakatulong ito upang i-repair ang haggard mong mukha, at maibabalik nito ang pagkanatural," pag-i-explain ni Dra.

At grabe siya sa haggard, ha.

"Ah, ganun po ba," ani ko.

"Yes, Betty. I hope na gagamitin mo ito. I wish you all the best." Si Dra. Cadillac na wagas kong makangiti. Ramdam ko na totoo ang ngiting iyon. Bilang ganti, nginitian ko rin si Dra. ng isang napakatamis na ngiti.

Biglang natameme si Dra. Siguro nasilawan sa aking angking kagandahan.

"Alam mo Betty, you remind me of someone," saad niya.

"Po?" sabi ko dahil 'di ko na G ang mga binitawang salita ni Dra.

"Naku, don't mind me. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko."

"Ah, okay po."

Tumayo ako galing sa pagkakaupo sa isang parang kama. Nagsimulang maglakad si Dra. patungo kina Bakla at ganoon din ang aking ginawa.

Diary ng Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon