Page 13

93 1 0
                                    

Page 13

Lancelot

Nagpalakad-lakad ako na parang wala sa sarili. Ang napakatamis niyang ngiti, ang pagkamot niya sa kaniyang batok at ang pangalan niyang 'It's Epoch' ay parang sirang plaka na tumatakbo sa aking isipan.

May natapakan akong isang matulis na bagay na naging sanhi upang maibalik ako sa realidad. Iniangat ko ang aking kanang paa at nakitang may nakadikit na isang bagay sa aking sandal.

Hinawakan ko ang nakausling ulo at hinila ito. Itinapon ko ito sa may talahiban katabi ng isang maliit na tindahan.

Napukaw ng isang litrato ang aking atensyon.

Ang kulay kahel na laman nito't ang mismong pangalan ng inumin ay ang nagpa-alala sa 'kin sa kaniya. Nagtaksil na naman ako sa Blake my love ko.

"Anong drama 'yan?!" Biglang may nanbatok sa akin. Liningon ko iyon.

At salamat dumating din ang sundo ko. Nagpaganda pa siguro 'to nang bonggang-bongga bago umalis sa kanila.

"Wala lang."

Inabutan niya ako ng isang berdeng helmet at dahan-dahan ko itong isinuot.

"Anong wala lang?" saad niya at tutok na tutok sa aking bawat galaw.

"Wala nga lang."

"Pa-showbiz ka, Neng!" Tinawanan lang ako ng bakla.

Ang brusko niyang tingnan dahil sa likas na malaki ang bulto ng kaniyang katawan, at ang pagsakay niya sa kaniyang pink na Rouser ay nakakaasar para sa akin.

Bakit naging bakla ang isang 'to? Kung pumapatol siguro si Baks sa babae baka pinatulan ko na siya.

Hindi na masama ang isang Lancelot Dieraven Palma para maging boyfriend. Matangkad, matalino, may mala-labanos ang kulay ng balat, at mayaman pa kaso bakla nga lang.

Ang mundo nga naman ay napakakumplikado, lalo na ang mga nakatira rito. Haist.

Pinitik ako ni Landie sa aking noo. "Makatitig ka sa 'kin, Neng! Parang kakainin mo ako nang buo!" saad niya sabay hawak sa kaniyang katawan upang maprotektahan ito laban sa akin.

"Bawal ba?" Umarte ako na parang nag-iisip at nginisihan siya.

"Anong tingin 'yan, Betty?" tanong niya na may nakakunot na noo.

"Tayo na lang kaya, Baks." Lumapit ako sa kaniya nang dahan dahan at hindi inaalis ang pagkapaskil ng isang nakakakilabot na ngisi. "Single ka, single ako. It's mentos to be."

"Gaga, meant to be 'yun!" Binatukan niya ako.

Namimihado na ang baklang 'to, ah.

"At saka, tigilan mo nga ako, Betty. Nakakaderder ka."

Ang arte!

"Baka lumindol nang malakas, mabiak ang lupa, at magalit ang Dyosa kung papatol ako sa 'yo!" aniya sa napakaeksaheradong ekspresyon.

"Ito naman! May palindol at biak-biak pang nalalaman. Saka, sino ba 'yang Dyosa niyo?"

"Bawal ipagsabi. It's very confidential."

"Ah, okay." Hindi muna ako nagsalita tapos lumabi ako at ipinakita sa kaniya. "Pero, pwede tikim lang?" biro ko sa kaniya.

"Ano ako free taste?" Inirapan ako ng bakla.

"O, siya. Umalis na tayo. Juday is waiting. At marami pa tayong gagawin at pupuntahan." Binuhay niya ang kaniyang motorsiklo at sumakay ako.

Sa bilis nang pagpapatakbo ni Bakla ng kaniyang motorsiklo ay mabilis naming narating ang kanilang mansiyon.

Diary ng Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon