Page 2

188 3 0
                                    

Page 2

Halata

Bakit maraming nagugutom sa mundo? O 'di kaya'y, bakit nagugutom ang isang tao?

Gutom.

Isang salita na may maraming kahulugan. Pwedeng gutom dahil walang makain. Pwedeng gutom dahil trip niya lang magutom.

Meron ding gutom lang talaga. Gutom sa pagmamahal.

Napahawak ako sa aking tiyan nang bigla itong humilab. Ang dami ko kasing kinain kaya't busog na busog oka.

"Misis, nandito na po tayo!" pagpuputol ni Manong tricycle driver sa aking pagdadrama. Misis daw?! Pektusan ko kaya 'tong si Manong.

"Dalaga pa po ako. At 'di po ba halata Manong na estudyante ako?" saad ko.

Titig na titig si Manong sa akin na parang hindi niya ako makita nang maayos.

"Hindi po halata." Nakakaimbyerna 'tong si Manong. Late na nga ako't 'di ko pa nakita si Blake my love ngayong umaga nakikisalisi gang pa siya. Ipalamon ko kaya 'to kina Ante.

"Hoy Misis! Magtititigan na lang ba tayo rito? Ano? Nainlab ka na sa 'kin?" Si Manong sabay kindat nang nakakadiri.

"Hindi po! Ano pa po bang hinihintay niyo? Naihatid niyo na po ako. Gusto niyo po ng fansign? Next time na lang. Nagmamadali po kasi ako," ani ko't nagsimula nang maglakad.

"Hoy Misis! Bayad niyo po!" Iba rin talaga si Manong. Ang bata-bata ko pa para maging misis. Ang baby face ko kaya.

"Manong! Next time na lang! Nakalimutan ko po kasi 'yung credit card ko. O itong piso!" Sabay bato ko kay Manong ng isang piso.

O 'di ba ang galante ko pa sa lagay na 'yan. Ang bait ko talaga. At naglakad na ako papasok ng gate. Narinig ko pa nga ang nakakakilabot na boses ni Manong. Eh nagmamadali ako, hindi ko siya mabibigyan ng fansign.

Ibinaling ko ang aking paningin sa napakalawak na unibersidad. Nakakalula talaga ang unibersidad na ito.

Ang lawak. Tatlong kilometro ang lalakarin mula gate hanggang sa pinakabukana ng unibersidad. At trip kong maglakad para ehersisyo na rin. O 'di ba? Two stones hit with a bird ang drama ko.

Ang daanan ay gawa sa marmol. At may mga sinadyang puno ng Makupa sa gilid na nagmistulang guwardiya.

Ang hangin na aking nalalanghap ay napakasariwa. Ang daanang aking tinatahak ay mga pulang bulaklak na nakalatag sanhi ng mga namumulaklak na puno ng Makupa.

Para akong isang babaeng ikakasal sa kaniyang pinakamamahal habang naglalakad patungo sa kaniya, sa isang pinakaromantikong senaryo.

Nakakakilig! Tapos si Blake my love ang lalaking naghihintay sa akin sa dulo.

"Hoy tabi!" sigaw ng kung sino kasabay ng isang napakalakas at nanggigigil na busina galing sa isang sasakyan.

"Opo. Tatabi na! Panira ka ng moments!" sigaw ko rin nang napakalakas. #AnneMode

Linagpasan ako ng isang napakagarang sasakyan. Kumikinang ito't gusto kong batuhin ng ampalaya kaso pang-recess ko 'yun eh. Ako naman ang magugutom kung sakali. Hindi rin naman kakainin ng kotse 'yung ampalaya. Hindi ako tanga noh!

Huminto ang nagsusumigaw sa itim na sasakyan sa aking harapan. Kasabay nito'y ang pagbaba ng mga salamin.

"Oy! Si Bettyng panget pala to!" saad ng isang impaktong nagsusumigaw sa kayabangan na nakasungaw sa salamin. Nakasakay siya sa unahan katabi ng kung sinong nagmamaneho ng kotse.

"Magandang umaga rin!" sagot ko sa kaniyang napakabuting pagbati.

"Good morning Betty!" pagbati naman ng isang nagsusumigaw sa kaputian at nakangiti. Nakasakay siya sa upuang nasa likod ng impakto.

Diary ng Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon