Page 8

78 1 0
                                    

Page 8

Ewan

Lutang ang aking isipan habang sinusubukang makinig sa leksyon ng aming guro sa 21st Century Literature. Ang mga mata ko ay pumipikit bawat minuto. Umaalon din ang aking paningin.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid upang hindi pa lalong antukin. Lahat ng mga kaklase ko ay kung hindi nakatuko ang mga kamay sa baba't inaantok ay busyng-busy naman sa mga matatalino nilang telepono.

"Ferdinand Marcos was the longest running president of our country."

May papel na binilog at kunat ang biglang napunta sa aking mesa. Napatingin ako sa aking kanang gilid at nakitang iminimuwestra ni Bakla na buksan ang hawak-hawak ko.

Anong trip ng Baklang 'to?

Binuksan ko ang binilog at kunat na papel. May nakasulat sa dulo at panget ang pagkakasulat nito. Ang panget naman ng sulat kamay ni Baks!

Binasa ko ang nakasulat. Hulaan ko kung ano ang susunod na sasabihin ni Ma'am Bertud.

Sasakyan ko na lang ang trip ni Baks. Tutal ay inaantok ako. Kinuha ko ang aking ballpen at nakakunot-noo kong isinulat ang sagot ko kay Bakla.

Ano 'yun?

Ibinilog ko ulit ang papel at itinapon ito sa mesa ni Bakla. Pagkabagsak ng papel ay binuksan niya agad ito at binasa.

Kinuha niya ang kaniyang kulay lilang ballpen at seryosong siyang nakangiti habang sinusulat ang kaniyang gustong iparating.

Tumingin ako sa harapan at naglilitaniya pa rin si Ma'am Bertud. Walang katapusan ang putak ng kaniyang bibig. Hindi siya nauubusan nang sasabihin at hindi niya nararamdaman na walang nakikinig sa kaniya.

Nagulat ako nang bumagsak ang kunat na papel sa aking ulo. Muntik na akong mapasigaw nang malakas, buti na lang napigilan ko.

Napatingin ako sa gawi ni Bakla at nginingitian lang ako.

Binuksan ko ang papel at binasa ang nakasulat.

Magkwe-kwento na naman 'yan tungkol sa karanasan niya.

Nireplyan ko ang sagot ni Bakla.

Hahaha. Korak ka diyan, Baks!

At itinapon ulit ito sa gawi niya.

"Way back..."

Ayan na. Hindi nga nagkamali si Landie.

"...grabe ang pinagdaanan namin sa Martial Law. Walang television and the curfew was very ano... ah... basta grabe ang curfew noon, strikto kung strikto," seryosong-seryoso si Ma'am Bertud sa pagkwekwento niya. Ang kaniyang dalawang kilay ay nakadugtong at walang bahid na kasiyahan doon.

"Maswerte nga kayo ngayon at hindi niyo naranasang matakot na baka ito ang huli niyong araw sa mundo."

Dahil sa mga binitawang salita ni Ma'am Bertud ay may napagtanto ako.

Totoo ngang maswerte ang kabataan ngayon, pero hindi lahat alam iyon.

Nang mag-reply si Bakla ay hindi ko na ito binuksan at nakinig na lamang. Ganoon na rin ang ginawa niya.

Kahit nakakaantok ang mga pinagsasabi ni Ma'am ay minsan may kabuluhan naman ito. Nakakabagot man kung isipin pero wala namang masama kung makinig na lang.

Lumabas na si Ma'am Bertud nang tumunog ang hudyat nang pagtatapos ng klase. Ang iba ay nagsi-uunat dahil sa buong oras na pagkakaupo. Ang iba nama'y nagkukumpulan upang magtsismisan habang naghihintay sa susunod na klase.

Diary ng Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon