Page 9

102 0 0
                                    

Page 9

Werpa

Pagkarating namin ng canteen ay nandoon ang kampon ni Lena kaya't napagpasyahan namin na sa rooftop kumain. Bumili lang kami at umalis agad.

"Betty!" ani Senior Rhance sa kalagitnaan nang paglalakad namin palabas ng canteen.

"Pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang."

Tinapik ako ni Bakla at iminuwestra niya ang upuan sa labas kung saan sila maghihintay.

Tinanguan ko si Senior Rhance at nginitian niya ako.

"Are you okay?"

"Opo, Senior. Wala lang iyon," saad ko na may ngiti sa labi.

Totoo namang hindi ako napuruhan at wala lang iyon sa akin.

"Are you sure?"

Tumango ako. Bakit ang kulit nito?

"That's good to hear. Uhm, Betty, I'm sorry for the trouble yesterday."

Bakit siya nagsosorry, eh wala naman siyang kasalanan?

"Okay lang 'yun, Senior. At wala naman po kayong kasalanan." Napatitig ako sa kaniya nang inusal ang mga salitang iyon.

Ang kinis ng kaniyang mukha at walang bahid na anumang tighiyawat. Ang mga kilay niya'y pinong-pino na bumagay sa kulay abo niyang mga mata. Bumaba nang konti ang aking paningin at ang matangos niya namang ilong ang aking pinagtuunan ng pansin.

"Well, it's not literally my fault but it was my friends who caused you trouble, so, kasalanan ko na rin iyon."

Bumaba pa nang konti ang aking paningin sa labi naman niya na napakanipis at pulang-pula. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Nauuhaw ako.

"Betty? Are you okay?" mga salitang lumalabas sa mga labi niyang aking tinititigan. At nakangiti ang mga labing iyon.

Nakangiti?

"Ah, yes. Yeah, yeah! Okay ako," natataranta kong saad.

Tumawa siya dahil doon at hindi ko siya matingnan dahil nahihiya ako.

"Ano ba 'yung pinag-uusapan natin?" tanong ko sa kaniya upang maiwala ang nakakahiyang pangyayari kanina.

"Ah, wala," aniya nang nakangiti. "You should get going. Kanina pa naghihintay ang mga kaibigan mo at baka nagugutom ka na."

Napatingin ako sa labas at naroon sa isang konkretong upuan ay nakaupo ang dalawa.

"See you later, Betty," pagpapaalam niya.

Tumalikod ako at nagsimulang bagtasin ang distansiya patungo kina Bakla.

"Bakit ang tagal niyo naman atang nag-usap, Neng?" tanong ni Baks sa nakakapanuksong tinig.

"Anong pinag-usapan niyo? Oy..." tukso ni Baks habang kinukurot ang aking tagiliran.

"Oo nga, Betty. May something na ba?" gatong naman ni Juday.

"Wala lang 'yun. Nagtanong lang siya tungkol sa nangyari kahapon," sagot ko habang inaakyat namin ang patungong second floor gamit ang konkretong hagdanan.

"Talaga ba?"

"Oo nga, Baks. Ang kulit mo ngayon, ha."

"Pero, in all fairness Neng, swerte ka kapag naging boyfriend mo si Senior Rhance, gwapo, matalino, mayaman, at mabait. O, sa'n ka pa makakahanap ng ganyan?"

"At Student Council President pa," dagdag ni Juday.

"Swerte rin naman ako kay Blake," ani ko habang inaakyat namin ang hagdanan patungong rooftop.

Diary ng Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon