Page 10

101 1 0
                                    

Page 10

Nabigla

Naestatwa kaming tatlo ni Bakla at Juday. Nagtitinginan at nagpapakiramdaman.

Ininguso ni Bakla ang kanang bahagi ng rooftop kung saan may espasyo doon na nahaharangan ng pader na gawa sa plywood.

Itinuro ko ang aking sarili. "Ako?"

"Oo, ikaw," bulong ni Bakla at itinuro ang aking sarili.

"Bakit ako? Ikaw na lang."

"Sige na, Neng," pagmamakaawa niya. "Ikaw na ang tumingin kung sino?"

Napakamot ako sa aking ulo at nagsimulang tumayo. Wala akong magagawa kundi sundin na lang ang inutos nila, tutal ay nakukuryoso ako kung sino iyon. Kaso, huminto ako at tumingin sa kanila.

"Sige na, Betty."

"Takot ako."

"Hindi 'yan. Mas matatakot siya sa'yo."

Pinandilatan ko si Bakla at nginisihan lang ako.

"Grabe ka!"

Itinutulak nila ako patungo roon.

"Ayaw ko! Kayo na lang kasi-"

Lumaki ang mga mata nina Baks at may itinuturo sila sa aking likod. Hindi ko sila maintindihan. Kaya't dahan-dahan akong lumingon upang malaman ang ikinapipi at itinuturo nila.

Sa paglingon ko ay tumambad sa akin ang kadiliman. Kulay itim na t-shirt na may bungo sa kaliwa ang una kong napansin. May nakaumbok na dalawang parte at siguradong ito'y dibdib ng isang lalaki kahit may saplot.

Inilakbay ko ang paningin paitaas. Sa nakaumbok na parte ng kaniyang leeg, sa mga labi, sa ilong at huminto sa kaniyang mga matang may dalang panganib.

Nakatingin ang pares na maiitim na mga mata sa akin.

"Are you done checking me out?" walang kagana-gana nitong tanong. Mapanuyang nginisihan niya ako.

Umatras ako at umiwas ng tingin. Hindi ko talaga gusto ang delubyong hatid sa bawat titig niya.

"Betty, alis na tayo," bulong ni Juday sa akin.

Ang mga mata niyang mala-bagyo sa bagsik ay direktang nakatingin sa akin. Hindi ko maiiwas ang aking pagtitig kahit halos hindi na ako makahinga dahil sa kaba.

Naglakad siya palapit sa 'kin. Huminto siya nang isang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa. At ganoon din ang mundo para sa akin. Mukhang katapusan ko na.

Paano na lang ang forever ko?

Mawawala ba ako sa mundong ito na hindi man lang naramdam kung paano mahalin?

Popshie, iligtas niyo naman po ako sa kadiliman.

Pumikit ako nang mariin nang iniangat niya ang kaniyang kanang kamay papunta sa aking mukha, handa na sa anumang masamang binabalak niya. Ngunit, nagulat at napamulagat nang hawakan niya ang aking baba.

Napatitig ako sa kaniya at ganoon din ang kaniyang ginagawa.

Ang intensidad na naroon sa kaniyang mga mata'y napakadilim. Hindi ko maigalaw ang aking katawan at naghuhuramentado ang aking puso.

Ngumisi siya. Isang napakapanganib na ngiti.

Ano ang binabalak ng lalaking 'to?

Iginiya niya ang aking mukha pakanan tapos pakaliwa gamit ang kaniyang kanang kamay. Iginiya niya ulit ito paitaas tapos pababa at binitawan niya.

Diary ng Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon