Page 7

87 0 0
                                    

Page 7

Friends

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa walang katapusang sigaw ni Ante. Pinagsaing agad ako. 'Di pa nga ako nakapaghilamos at mismo 'yung muta ko'y 'di ko pa nakukuha sa gilid ng aking mga mata.

Humihikab kong hinihipan ang aking sinasaing dahil 'di masyadong malakas ang apoy.

"Betbet, gutom na ako. Matagal pa ba 'yan?" tanong ni Junjun na nakabusangot ang mukha.

Akala naman niya ikinacute niya!

"Matagal-tagal pa 'to," ani ko.

Umalis si Junjun sa pagkakasungaw sa pinto. At naiwan akong nagsasaing pa rin. Wala bang balak bumili ni Ante ng tanke ng gas?

Makalipas ang ilang minuto sa wakas ay naluto na rin ang kanin. Kaya't naligo agad ako upang matanggal ang amoy ng usok at makapaghanda na rin sa pagpasok.

Nandoon kaya siya?

Napangiti ako. Maisip ko lamang ang pangalan niya ay gumaganda na ang araw ko.

Linapitan ko ang salamin habang nagpupunas ng basang buhok. Ang ganda ko talaga!

Crick!

Ay! KJ ang salaming 'to. Ayaw makisama! Bigla ba namang nagkaroon ng basag na parte ang dulo. Nakakaimbyerna!

Pero tama nga si Baks na andami na pa lang namamahay sa mukha kong maganda. 'Di to pwede. Eh nakikitira na nga lang sila nang libre tapos mag-iimbita pa sila ng mga kamag-anak. Dumarami na sila ha!

Ano bang dapat kong gawin?

Magtatanong na lang siguro ako kina Baks at Juday.

Pagkatapos kong kumain ay nagsimula na agad ako sa pagbagtas papuntang sakayan ng tricycle. Ang init kahit alas siete e media pa lang. Iba na talaga ang panahon ngayon.

"Magandang umaga, Betty!" bati ni Berdugo na walang pang-itaas na damit.

Puro buto naman ang ipinaparada niya.

Nginiwiang-ngiti lamang ang aking isinukli sa kaniya at nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Kaso ayaw niyang magpapigil sa pagpapansin at sinundan pa talaga ako.

"Betty, hatid na kita."

"Huwag na. Okay lang," pagtanggi ko.

Gago ba 'to.

"Sige na. Ngayon lang naman, pramis!"

"Naku, huwag ka nang mag-abala. Okay lang talaga."

'Di niya ata G.

"Yoho!"

Hay, salamat!

Ang amoy ng kakatihan ay bumubulusok sa buong kapaligiran. At ang Reyna ng kakatihan ay iyinapos agad ang kaniyang mga makating kamay kay Berdugo.

"Magandang umaga, mahal ko! Linalandi ka na naman ng panget na 'to!"

Nagpanting ang tenga ko. Gusto ko sanang patulan kaso ayaw kong mahuli sa pang-unang klase. Andami kong absent.

Walang lingon kong iniwan ang dalawang 'yun. At nagpatuloy sa paglalakad sa mga makikitid na iskinita. Hindi ko pa nga nararating ang terminal ay amoy pawis na agad ako.

Buti na lang amoy downy rin ang pawis ko.

"Magandang umaga po, Aleng Makabebe!" bati ko kay Aleng Makabebe na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa kung saan ko siya huling nakita.

At hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin siya.

Wala bang balak na umuwi ang taong butong 'to?

"Betty!"

Diary ng Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon