Page 14

100 1 0
                                    

Page 14

Ganda

“Call me, Tita Laura,” dagdag nito na nakangiti. Isang ngiting hindi lamang pakitang tao. At nakakasiguro ako roon.

“Please enjoy your stay here,” saad nito at bumaling sa kaniyang mamahaling relo. “I have an appointment, son,” malungkot niyang ani at bumeso kay Landie.

“Please take care of the guests for me.” Tumingin siya sa amin at may nakakadismayang ekspresyon. “I’m sorry but I have to go.”

Nginitian ko ang ginang at ganoon din siya.

“Mama, don’t worry. I will take care of them.”

“I know you will.”

May humintong sasakyan at nakaabang na driver na naghihintay. Naglakad patungo roon ang ginang ngunit bago ito pumasok sa sasakyan ay kumaway siya sa amin. “Nice meeting you, Betty and Aljudylee!”

Bago kami pumasok ng mansiyon ay hinintay muna naming makalabas ng gate ang ina ni Landie.

“Shall we?” Iminuwestra ni Bakla ang nakabukas na mga malalaking pintuan patungo sa loob ng kanilang mansiyon.

Hindi pinalagpas ng aking mga mata ang pag-obserba sa disenyo ng kanilang mansiyon. Ang klase ng mga disenyong pinag-isipan. Mula sa labas hanggang sa loob.

Para akong nasa ibang bansa.

Ang pintuan ay may mga nakaukit na parang baging. Ganoon din ang mga gilid ng kisame. Ang kanilang sahig ay napakakintab at mahihiya kang itapak ang iyong sapin sa paa.

Sa bungad ay mapapansin mo ang isang reboltong babae. Wala itong saplot ngunit natatakpan ng kaniyang buhok ang mga parteng pribado. Sa ulo nito’y may parang headdress, mga dahon ng isang halaman ngunit gawa parehas sa materyal na ginamit sa katawan at sa buhok.

Napansin yata ni Landie ang aking pagtitig sa rebolto kaya’t nagsalita siya. “It’s the statue of Amp Laya,” saad niya.

Bumaling kami ni Juday sa kaniya.

“Sumisimbolo ito sa tamis at pait ng pag-ibig. ‘Yun ang sabi ni Mama sa akin. Nung bata pa ako, palagi ko rin itong tinitingnan. May something sa expression ng kaniyang mukha kaya’t nakuha nito ang atensyon ko.”

Sinuri ko ang mukha ng rebolto. Kahit na gawa ito sa kung anu mang matigas na bagay ay ramdam mo at mahahalata mong may pait sa kaniyang mga mata. At kabaliktaran ito sa tamis ng kaniyang ngiti.

“Saan ba nabili ng Mama mo ‘yan?” tanong ni Juday na ‘di maalis ang pagkakatitig sa rebolto.

“It was a gift. Hindi na niya ibinigay ang ibang detalye,” nakakunot-noong sagot ni Landie. “Basta nung dalaga pa si Mama nandito na raw ang rebolto ayon kay Yaya Maring,” pag papatuloy nito.

“Napakamisteryoso.” Humalukipkip si Juday.

“Yeah, Jude! Did you know, dahil sa sobrang na-curious ako, I searched for its origin. Tapos, hulaan mo kung ano ‘yung nalaman ko?”

“Ano?”

“The stat…”

“Ano nga?” ‘di makahintay na saad ni Juday.

At ganoon din ako.

“The statue of…” Binatukan ko ang bakla.

Nakaka-stress siya.

“Ito naman! Bawal ang pa-thrilling?” anito na hinihilot ang kaniyang batok.

“Ano na, Baks? We’re wetting,” saad ko na nakahalukipkip.

Diary ng Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon