Page 6

89 1 0
                                    

Page 6

Uling

Nakatayo pa rin ako sa likod-bahay at nakatingin pa rin ng isang titig-mantika si Ante sa akin.

Si Bossing Araw ay tuluyan nang nawala at pinalitan ni Madame Buwan na sumeksi na. Bakit hindi pa rin sumeseksi si Ante?

"Hoy Betty!" sigaw ni Ante.

"Opo!" sigaw ko rin. Para patas.

"Ginagaya mo ba ako?" tanong ni Ante na may nanlalangis na mga mata.

"Hindi po," sagot ko at bumulong, "At ayoko po."

"Anong binubulong-bulong mo diyan?!" sigaw ulit ni Ante.

"Na ang ganda niyo po kahit madilim."

Biglang ngumiti si Ante. 'Yung ngiting hyena. At hindi na iyon matanggal-tanggal. Iba din! Ang dali namang mauto ni Ante. Eh buti nga madilim dahil kung hindi nagmukha na siyang lamang lupa dito sa likod-bahay.

"Buti alam mo! At poreber dyosa kaya 'to!" Kumawaykaway siya na parang isang balyenang nalulunod.

Napahagikhik ako dahil sa naisip. Nang tumingin siya sa gawi ko'y nagseryoso ulit ako. Muntik na 'yun, ha!

"Sumunod ka sa 'kin at may itatanong ako."

Pumasok kami sa pinto papuntang kusina. Doon kasi lalabas papuntang likod-bahay.

Nakita ko si Junjun sa may mesa at kumakain ng litson. Kumulo bigla ang dugo ko. Baka si Junjun the pig ang kinakain nito?

Kaso ang taba-taba ng litsong 'yun, eh ang seksi kaya ng alaga ko. Nagbabangon higa 'yun araw-araw.

Naging panatag ang aking kalooban dahil doon. Buti naman. Akala ko, nalitson na 'yung baboy ramo ko.

Linagpasan namin ni Ante ang kusina at sala. Lumabas kami ng pintuan. Huminto si Ante. At huminto rin ako.

Parang alam ko na kung ano ang itatanong ni Ante.

"Betty!" sigaw ni Ante.

Napaigtad ako dahil doon.

"Bakit, ho?" sagot ko sa kaniya. Namamawis na ang aking mga kamay.

"Nasaan ang gate natin?"

Tama nga ako. Anong sasabihin ko? Na naglakwatsiya? Na may binili lang? O 'di kaya ay pumunta ng palikuran dahil najejebs? Ang baduy naman ng mga 'yun.

"Ah, may gate pala tayo, Ante?" balik tanong ko sa kaniya.

Sana umepek. Ulyanin na kasi ang jubang 'to.

"Junjun! Halika ka nga dito!" pagtawag ni Ante kay Junjun.

Lagot! Sana mabilaukan ang jubang 'yun para hindi makapunta rito.

"Junjun!"

Ano ba 'tong si Ante sigaw nang sigaw.

"Kapag hindi ka pumunta rito, wala kang extra rice!"

Biglang lumindol nang napakalakas dahil sa pagtakbo ni Junjun. Baka ito na 'yung the Big One?

"Nan-dito na p-po a-ko." Hingal na hingal si Junjun. At ang mga taba niya ay tumatalbog-talbog.

Parang extra rice lang, takot na agad?

"Ano ba 'yun, Mom?" naka-busangot na tanong ni Junjun. "Panira kayo ng moment eh, ang saya-saya na namin ng litsong 'yun. 'Yung hot spicy sauce na 'yung tinetesting namin kung may spark ba."

"Gutom lang 'yan," sabi ko kay Junjun at nakatanggap naman ako ng mag-inang irap.

Pektusan ko 'yang belbel niyo eh.

Diary ng Babaeng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon