Girl Who Can't Be Move

5.9K 220 6
                                    

Find arms that will hold you at your weakest,
Eyes that will see you at your ugliest,
A heart that will love you at your worst,
Then you have found true love.

Glaiza's POV

Nakatingin ako habang papalabas ng classroom sina Rhian. Alam kong ako ang pinagtatawanan ng grupo nila. Hindi ko alam kung alin sa mga sinabi ko ang nakakatawa o may nasabi ba talaga akong nakakatawa? Masakit na pinagtatawanan nila ako pero ganun siguro talaga sa totoong mundo. Maraming mananakit sa'yo, pero kailangan mong magpakatatag at magpatuloy. Survival of the fittest kumbaga.

All my life I've been sheltered. Laging iniingatan, laging binabantayan. I was home schooled eversince kindergarten. Ngayon lang ako nakapasok sa isang regular school, to think that I am on my 3rd year in college. Mahabang paliwanagan at diskusyon muna ang naganap bago ako pinayagan ng tatay ko na mag enroll sa Cambridge University.

My father is the newly assigned Pastor in this town. Madalas kaming lumipat ng bahay dahil kung saan saan nadidistino si Tatay. Noong una mahirap pero nasanay na din ako sa pagdaan ng panahon. Wala naman akong choice, dalawa na lang kami ni Tatay sa mundong ito. Ang Nanay ko, bata pa lang ako kinuha na ni Lord. Ni hindi ko na nga matandaan ang itsura nya. Kung hindi lang dahil sa mga kinupasan nyang pictures, hindi ko sya makikilala. Ganunpaman, kahit na wala akong Nanay hindi ko kailanman naramdaman na may kulang sa buhay ko dahil higit pa sa pagkakaroon ng Nanay ang pagmamahal na binigay sa'kin ni Tatay.

Mula pagkabata over protective sa'kin si Tatay. Masyado syang istrikto sa maraming bagay. Mula sa damit na susuotin ko, pagkaing kakainin ko, at mga kaibigang sasamahan ko inaalam nya. Minsan nakakasakal din pero ayoko namang pasamain ang loob nya sa pagsuway sa mga kagustuhan nya. Pinalaki nya ako na sagana sa salita ng Diyos. Na lahat ng gagawin at iisipin ko ay dapat na isangguni muna sa Panginoon.

Iyon marahil ang kaibahan ko sa iba. I felt so different because I'm no like any other typical teenager who can go to bar, party all night. Go reckless, wild and free! Well, I can't go reckless, and wild and free. There's a lot at stake if I decided to do that. Maraming magsusuffer, maraming consequences.

At hindi pa ako handa na maging bratinella, not now, not ever. Sapat na sa'king pinayagan ako ni Tatay na maexperience ang regular schooling. Kung hanggang kailan ako tatagal, hindi ko pa alam. I'll just cross the bridge when I get there.

Closing remarks ng prof namin ang pumukaw sa pagmumuni muni ko. Natapos na pala ang session namin sa Literature ng hindi ko namalayan.

       "Psst, tsong kaw pala yung bago." Bati sa'kin ng katabi ko habang pareho kaming nagliligpit ng gamit dahil kailangan na naming lumipat for our next class.

Tumingin muna ako sa kanya bago sumagot. Tinatanya kung pinagtitripan nya din ako tulad ng iba naming classmates. Mukha namang ok sya, medyo weird dahil nakadamit sya ng panlalake to think na girl sya. 'Pag nakita sya ni Tatay, siguradong palalayuin ako sa kanya at sasabihing masamang impluwensya sa'kin. But the hell I care, hindi masamang magkaroon ng bagong kaibigan. Kahit sino o ano pa sya. At hindi ba mas masama ang manghusga ng kapwa base sa itsura at kasarian nya?

Feels Like HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon