There is nothing better on this earth than a soul you can connect with on every level.
***
Ilang beses kong pinag isipan bago ko napagpasyahang pumunta sa Delta Nu Sorority House. Wala naman kase akong choice, kailangan kong bawiin ang singsing ko kay Rhian. We can compromise if she want basta maibalik lang 'yun sa'kin. Nagkataon naman na naabutan kong papasok sya ng head quarters nila.
Never in my entire life na naisip kong makakapasok ako sa isang napakagandang mansyon. Magara ang head quarters nila sa labas pero higit sampung doble ang garbo sa loob. Amaze na amaze ako dahil para akong nasa isang palasyo. Na napapaligiran ng magagandang mga prinsesa. Hinintay ko si Rhian na matapos ang closed door meeting nila, hindi naman ako nainip dahil asikasong asikaso ako. Hindi ko pa man hinihingi, binibigay na ni Trish. Ang napag utusan ni Rhian na mag asikaso sa'kin.
Matapos ang meeting nila ay lumabas na si Rhian kasunod ang mga kaibigan nya. Nagulat ako ng hinila niya ko paakyat sa kwarto niya. I didn't know na may sarili syang kwarto dito pero sya nga pala ang president ng Delta Nu. Nakapagreact lang ako ng nasa pinto na kami ng kwarto nya.
Alam kong nasaktan ko sya ng sabihin kong sa ibang lugar na lang kami mag usap. Hindi ko naman sinasadya, namiss interpret nya lang talaga ako. Well, I'm not really comfortable with me and her alone in the same room. Just the thought of it makes me shiver. Kung bakit, hindi ko din alam. Hindi ko kayang bigyan ng pangalan kung anong nararamdaman ko sa kanya. Ayokong isipin at ayokong tanggapin. Mali. Maling mali!
When I saw hurt in her eyes, naalarma ako. Kaya sinabi ko na lang na ok na sa'kin na mag usap kami sa kwarto nya. Kahit mahirap at kahit hindi ako komportable, kakayanin ko na lang. Hwag lang syang magalit.
Pero mas lalo yata syang nagalit dahil akala nya napipilitan lang ako. Na totoo naman talaga. Ramdam ko na naiinis pa din sya habang pababa kami ng hagdan kaya hindi ako nakatiis at hinawakan ko ang mga kamay nya. Hindi ko alam kung bakit ko 'yun ginawa? Basta I felt the urge to hold her hand. Parang gusto kong iparamdam sa kanya that I felt really sorry and I wanna erase the pain that I cause her from the day that we met until this moment.
The moment I held her hand, alam kong nagulat sya sa ginawa ko. Nakita ko sa sulok ng mga mata ko na tumingin sya sa'kin pero nagkunwari akong nakatingin sa dinadaanan namin. Hindi ko sya kayang tingnan. I don't wanna see her eyes teasing me. Naramdaman kong inayos nya ang pagkakahawak sa kamay ko. Were now literally holding hands while walking. Kung tama ba ang ginagawa ko, mamaya ko na iisipin. This is me being impulsive. And I'm thrilled with this new experience. First she kissed me, that was my first kiss at hindi ako pinatulog ng karanasang 'yun and now were holding each other's hands. What are you doing to me Rhian?
"So, were here. Ano ba 'yung pag uusapan natin?" Tanong ni Rhian. Hindi ko namalayan na nasa terrace na pala kami.
"Rhian, tungkol dun sa singsing ko -- "
"How many times do I have to tell you na wala akong balak isoli sa'yo ang ring na'to? And technically this is mine because as far as I can remember we exchange vows with this ring, right?" Naiinis na sabi niya sabay binitiwan ang kamay kong hawak nya.
BINABASA MO ANG
Feels Like Home
RomansaMahalagang paalala mula sa may akda: Maghanda ng sangkaterbang tissue at tubig sa inyong tabi bago simulang basahin ang nobelang ito. The author is not liable to any heartaches and pains that you will feel after reading this story. Feel free to stop...
