Letting Go

6.5K 275 71
                                    

Love is patient.
Love is kind.
It does not envy.
It does not boast.
It is not proud.
It is not rude.
It is not self-seeking.
It is not easily angered.
It keeps no record of wrong.
It does not delight in evil,
but rejoices with the truth.
It always protects, always trusts,
always hopes, and always perseveres.

The moment I saw Glaiza stopped breathing I felt numb. No amount of words can explain the pain I felt, it's as if my heart was torn into pieces. I saw the doctor reviving her pero wala na silang nagawa dahil si Glaiza na ang kusang sumuko. Alam kong sumuko na sya sa labang matagal nya ding pinilit mapanalunan. Siguro nga hindi lahat ng laban ay pinagwawagian. Sa huli, may nananalo at meron din namang natatalo ... at sa kasong ito kaming dalawa ang natalo.

I chosed to let her go not because I didn't want to fight anymore because I do. God knows, how much I wanted to fight for her. I let her go because I love her too much. I know she's just holding on for me because she wants me to be ready. I saw her suffering, I saw her in pain, but I never heard her complain. I don't wanna be selfish anymore. And I can only take her pain by letting her know that she can go now. She can let go because I'm letting her. Na ok na ko, na kaya ko na kahit hindi ko naman talaga alam kung kaya ko na bang wala sya.

***

Hindi ako pumunta sa burol nya. Dahil hindi ko kayang makita syang nakahiga sa kabaong. Dahil gusto kong manatili syang buhay sa alaala ko. Yung mga magaganda nyang mata na masarap titigan, yung matangos nyang ilong na madalas kong halikan, yung mga labi nya na kapag ngumingiti ay nakakawala ng anumang problema ko. Yung mga halik, haplos at yakap nya.

Ilang araw akong nagkulong sa kwarto nya, na naging kwarto na din namin matapos kaming maikasal. Nakakatulog at gumigising ako na umiiyak, yakap ang picture frame na may larawan nya. Kung pwede lang na hindi na ko magising kinabukasan o magising ako na katabi sya at maisip kong isang masamang panaginip lang pala ang lahat.

Walang nagtangkang pakialaman ako sa pagdadalamhati ko. Hinayaan lang nila ko. Even my parents and Glaiza's Tatay just let me. Pero sa ikatlong araw mula ng mamamatay si Glaiza, kinausap ako ng Tatay nya. Huling lamay na daw at kailangan na ang presensya ko. Tumango lang ako pero hindi tuminag sa pagkakahiga ko. May iba pa syang sinabi pero hindi ko na inintindi. Wala na kong maramdaman. Ayoko ng intindihin pa ang mundo.

Kinausap din ako ng mga magulang ko pero hindi nila ako mapahinuhod na sumilip man lang kahit sa huling gabi ng burol. Wala akong imik habang nagsasalita sila. Gustuhin ko mang umiyak pero wala na. Ubos na ang mga luha ko sa ilang araw na pag iyak.

***

After Glaiza's cremation, her Tatay talked to me again. I was in my usual position in our bed. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagkunwang tulog. Ayokong marinig ang anumang sasabihin ng kahit na sino. Naramdaman kong may ibinaba sya sa kama, malapit sa tabi ko.

Feels Like HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon