Happiness isn't about getting what you want all the time.
It's about loving what you have and being greatful for it.
***
Malapit ng gumabi ng magpasya kami ni Glaiza na umalis na ng sementeryo. Nagpaalam na sya sa Nanay nya at sumakay na kami ng sasakyan. Nagpatuloy ang road trip namin.
Sunod ko syang dinala sa isang concert venue.
"Anong gagawin natin dito? Manonood ba tayo ng concert?" Tanong nya habang magkahawak kamay kaming pumunta sa entrance ng Music Museum.
Hindi ko sya sinagot bagkus at ngumiti lang ako sa tanong nya.
"Sandali, hindi muna ba tayo bibili ng ticket? Baka hindi tayo papasukin." Nagtatakang tanong nya dahil hindi kami dumaan sa ticketing office.
"Akong bahala. Trust me. I got this." At hinila ko na sya papasok ng entrance.
Sa entrance pa lang nakita na ko ng manager ng bandang nagpeperform. Tinanguan nya ko at pumasok na kami sa loob. She's a friend of Solenn's brother. Nagpatulong ako para makilala ni Glaiza ang lead vocalist ng banda.
Nagsisimula na ang concert ng dumating kami. May reserved seats na kami sa front row kaya mas enjoy namin ang performance ng banda.
Nakaupo na kami ng muling nagsalita sa Glaiza.
"Hindi mo naman sinabi agad na concert pala 'to ng Up Dharma Down." Abot tenga ang ngiting sabi nya sa'kin. Enjoy na enjoy sa panonood sa performance ng banda.
"I wanted to surprise you."
"Pa'no mo nalaman na favorite band ko ang Up Dharma Down?"
"Basta alam ko lang." Nakangiti kong sagot. Nakatutok na din ang mga mata ko sa stage.
Nang matapos kumanta ang lead vocalist ay nagsalita sya sa microphone.
"Ahm, thank you for coming tonight guys. And you're all so lucky because tonight we have a special guest. She believes that dreams never end and tonight her dream will become a reality. She's a rebel at heart and a certified rockstar. Please welcome on stage, Ms. Glaiza de Castro." The lead vocalist look at us.
BINABASA MO ANG
Feels Like Home
RomansaMahalagang paalala mula sa may akda: Maghanda ng sangkaterbang tissue at tubig sa inyong tabi bago simulang basahin ang nobelang ito. The author is not liable to any heartaches and pains that you will feel after reading this story. Feel free to stop...
