Everyone says you fall in love once, but that's not true.
Because everytime I see you,
I fall in love all over again.Nakaupo ako sa couch sa sala grande ng Delta Nu Sorority House. After ng kasal kasalan namin ni Glaiza ay dito ako tumuloy. Tinitingnan ko ang singsing na nasa ring finger ko. It fitted perfectly on my finger. Parang ginawa talaga para sa'kin. Nakita ko kanina na may nakaengrave sa loob ng singsing. It says Glaiza Althea De Castro. So, it was especially made for Glaiza. Hindi ko alam kung sinong nagbigay sa kanya at kung gaano kahalaga sa kanya ang singsing na ito. All I know is, this ring symbolizes her vows to me. No matter how it's done or whatever the circumstances is.
"Baka naman matunaw na 'yang ring na 'yan kakatitig mo". Si Liz na nasa kabilang couch lang at umiinom ng orange juice.
"So, what is your plan? Are you gonna return the ring to her?" Tanong naman ni Georgina.
"I think you should returned it back to her. It doesn't cost you anything anyway." Solenn added.
"Oo nga, ibalik mo na lang R. Kawawa naman si Glaiza. My sentimental value yata 'yan sa kanya." It was Isabelle na nakisali na din sa usapan.
"No, I'm keeping it." I said with conviction at tinakpan ang kamay kong may suot na singsing. As if protecting it sa kung sino man ang gustong kumuha.
Wala ng kumontra pa sa desisyon ko. They know me, kung ano na ang naging desisyon ko hindi na mababago pa kahit sino pa ang kumontra.
"So R, how does it like to kiss her?" Mayamaya ay tanong ni Anne.
"First time yata nun eh. Parang natulala after mong halikan." Si Liz.
"Si Glaiza ba talaga ang natulala? Parang itong si R ang mas tinamaan eh." It was Isabelle teasing me.
"If I was the one who kissed her for sure pati pangalan nya nakalimutan nya." Solenn said proudly.

BINABASA MO ANG
Feels Like Home
RomanceMahalagang paalala mula sa may akda: Maghanda ng sangkaterbang tissue at tubig sa inyong tabi bago simulang basahin ang nobelang ito. The author is not liable to any heartaches and pains that you will feel after reading this story. Feel free to stop...