Way Back Home

4.1K 208 49
                                        

That night we sleep together. It's our first night as a married couple. Nothing happened, we just embrace each other but the love that we felt that night was more than any physical contact anyone can imagine.

Nagising ako ng mas maaga kaysa sa karaniwan. I automatically smiled when I saw her sleeping next to my pillow. She's like a baby, so serene in her sleep. I caught myself staring at her. Gusto kong itatak sa isip ko ang itsura nya, bawat kanto, bawat linya. Para kahit anong mangyari, hinding hindi na sya mawala sa alaala ko.

Namulatan nya ko na nakatingin pa din sa kanya. Ngumiti ako at hinalikan sya sa tungki ng ilong.

"Good morning sleepyhead."

"Good morning. Kanina ka pa ba gising?" Nakangiti nya ding tugon.

Tumango lang ako at hinaplos ang mukha nya.

"I've never seen anyone as beautiful as you in the morning."

"Bolera. I know I look pale."

"I love your color. Did I ever tell you that you look ravishing in the morning?" Pilyang sabi ko. Caressing her nape.

"I'm sorry R, I can't give you --"

"Shhh, I know and I understand. Ok na sa'kin na nandito ka. Magkatabi tayo at magkahawak ng kamay na ganito." Hinawakan ko ang kamay nya at pinagsalikop ko.

She lay down on my shoulders and I felt contented.

"Sunday nga pala ngayon. Simba tayo ha." Mayamaya ay sabi nya.

Gusto kong tumanggi pero ayoko namang madisappoint sya. I know it's her routine to go to church every Sunday. Kung noon nakakatanggi akong samahan syang magsimba, hindi na ngayon. Mag asawa na kami and it's my duty to be with her whenever she wants to go.

Tinulungan ko syang maghanda na para sa Sunday worship. Inalalayang makasakay sa sasakyan at nagmaneho na ko patungo sa simbahan.

Papasok na kami ng simbahan ng makita kami ng mga church mates nya. Binati sya ganundin ako. Hindi ako mapakali sa upuan ko habang magkatabi kami. Ramdam kong nakatingin sa'min ang ibang mga nagsisimba. Mga tinging may halong panghuhusga, may diba namang nakikisimpatya. This is my first time to attend a Sunday worship in a very long time. Matagal na kong huminto sa pagsisimba simula ng matanggap ko ang tunay na ako. Alam kong hindi lahat ng nasa simbahan ay banal. May ibang mas matindi pa kung lumait at mangutya. Those hypocrite bitches that put themselves on pedestals. Akala mo walang bahid dungis. Sagana sa panghuhusga at salat sa pang unawa. Na ang tingin sa mga katulad ko ay kampon ng demonyo. Kaya minsan naitatanong ko din sa sarili ko, sila lang ba ang anak ng Diyos? Sila lang ba ang may karapatang makinig ng salita ng Diyos?

Naputol ang pag iisip ko ng maramdaman kong hinawakan ni Glaiza ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Ngumiti ako at ganun din sya sa'kin. Hindi ko na inintindi ang mga mapanuring tingin ng iba at nagconcentrate na lang sa preaching.

Feels Like HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon