You don't have to give her the whole entire world to make her happy, just make her happy by sincerely giving her YOU.
***
It's a beautiful Saturday morning. Maaga pa lang na kila Glaiza na ko. I had so much plan for today. Naipagpaalam ko na sya sa Tatay nya. Nung una ayaw pumayag pero ng makumbinsi ko na hindi ko naman pababayaan si Glaiza, pumayag na din sya. I know she's feeling great today. Ilang beses ko syang tinawagan kanina bago ako nagpunta sa kanila to check kung ok ba pakiramdam nya. I even asked her doctor kung ok lang ba na ilabas ko si Glaiza. Her doctor assured me na ok lang naman as long as hindi ko naman sya masyadong papagurin. Sa Monday na naka sched ang chemo therapy nya. Alam kong mahirap ang pagdadaanan nya sa chemo ang I want to give her today as my treat for her. Today is Glaiza and Rhian time.
"Hey are you ready?" Tanong ko sa kanya ng bumungad ako sa pintuan ng kwarto nya.
Kasalukuyan syang nag aayos ng gamit na dadalhin. Lumingon sya sa'kin ang gave me her signature lopsided smile.
"Need some help?" Muli kong tanong referring to her things.
"No, ok na ko. San ba tayo pupunta? Bakit kailangan pa kong magdala ng extrang damit?"
"Baka kase lamigin ka sa byahe."
"Byahe? Bakit malayo ba pupuntahan natin?" Nagtatakang tanong nya.
"Medyo." Maikli kong tugon at binitbit na ang duffel bag nya at naglakad na palabas ng kwarto.
"Anong medyo? Saan mo nga ako dadalhin?" Nakasunod na tanong nya.
"Ang kulit. Basta malalaman mo din mamaya. Wait, dala mo ba 'yung red notebook mo?" Nakita kong kumunot ang noo nya sa tanong ko. Iniisip siguro kung para saan ang notebook na tinutukoy ko.
"Oo, lagi ko naman dala 'yun. Ano namang kinalaman ng notebook ko sa lakad natin na 'to?" Curious na tanong nya.
"Basta, kakailanganin natin 'yun mamaya. Teka, nasan na ba si Tatay para makapagpaalam na tayo." Tanong ko at nagpalinga linga sa buong kabahayan. Hinahanap ang Tatay nya.
BINABASA MO ANG
Feels Like Home
RomanceMahalagang paalala mula sa may akda: Maghanda ng sangkaterbang tissue at tubig sa inyong tabi bago simulang basahin ang nobelang ito. The author is not liable to any heartaches and pains that you will feel after reading this story. Feel free to stop...