One of the happiest feelings on earth, is when you know that you are in love with someone who is more in love with you.
***
Pagkatapos naming aminin sa Tatay ni Glaiza ang totoong estado ng relasyon namin, mas naging open pa kami lalo sa isa't isa. Almost everyday na kong nasa kanila. Taking care of her, making sure na hindi sya nahihirapan. I wanted to be there for her in every step of the way. House - School - Glaiza, 'yun ang naging routine ko sa araw araw. Mahirap pero kinakaya ko. Gusto ko sanang huminto muna this semester para makafocus ako sa kanya pero mahigpit nyang tinutulan. She even made me promise na hindi ako hihinto at makakagraduate ako next year.
Sa araw araw na magkasama kami, nakikita ko ang pagbabago sa kanya physically. Mas pumayat sya kumpara sa dati. Maputla pa din, I had put her some lipstick para lang magkakulay ang mga labi nya. I know she's getting worst as the day goes by. Alam kong nahihirapan sya at mas nahihirapan ako dahil nakikita ko sya sa ganung kalagayan pero wala akong magawa.
Dinala ko sya sa lahat ng pinaka magagaling na doktor dito sa Pilipinas. Kahit gaano kadaming pera ang maubos ko, gumaling lang sya. I wanted to take her abroad para dun magpagamot pero ayaw nya. Dahil mas tumitindi ang sakit nya, she had to undergo chemo therapy. 'Nung una ayaw nya dahil ilang beses na daw syang nakapag chemo. She even undergo bone marrow transplant and other treatments na pwedeng makapagpagaling sa kanya. Pagod na daw sya at gusto nya na lang ienjoy ang mga natitira nya pang sandali. Pero napapayag ko din syang sumailalim sa chemo therapy. Gusto kong humaba pa ang buhay nya kaya lahat ng paraan gusto kong subukan namin. Kahit ano, kahit magkano. Basta makasama ko pa sya ng matagal, 'yung matagal na matagal.
***
Kasalukuyan kaming nasa garden ng bahay nila. Magkatabi sa swing. Nakasandal sya sa mga balikat ko. Walang gustong magsalita. Pinapakinggan lang namin ang tibok ng puso ng isa't isa. Masaya na kami sa ganito, mga puso lang namin ang nag uusap. I don't even know that such happiness exists until this very moment.
I look at her, nakita kong nakapikit ang mga mata nya. She's amazingly beautiful kahit mababakas na sa mukha nya ang iniindang sakit. Sya pa din ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. She will always be my beautiful G.
"Stop staring at me." Mahinang sabi nya na nakapikit pa din. Naramdaman nya sigurong nakatitig ako sa kanya.
"I'm not staring at you." Nakangiti kong tanggi.
"Kahit nakapikit ako, nararamdaman ko ang mga titig." Nakangiti nyang tugon at umayos ng upo at humarap sa'kin.
"Ok, guilty as charge. You know how I love to stare at you. I love your eyes, your nose, your lips, even your frown and the way you smirk. I love everything about you G."
BINABASA MO ANG
Feels Like Home
RomanceMahalagang paalala mula sa may akda: Maghanda ng sangkaterbang tissue at tubig sa inyong tabi bago simulang basahin ang nobelang ito. The author is not liable to any heartaches and pains that you will feel after reading this story. Feel free to stop...