God grant me the serenity to accept the things I cannot change, the strength to change the things I can. And the wisdom to know the difference.
***
"Hi" Nakangiting Glaiza ang nabungaran ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko sa pagbabantay sa kanya. Nakasubsob ako sa hospital bed nya at naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko.
"You're awake. Anong gusto mo? Nagugutom ka ba? Sandali tatawagin ko lang 'yung doktor." Hindi ako magkandatuto. Kagigising ko lang at natutuwa ako na nagising na din sya.
Two days syang nasa ICU. Kahapon lang sya inilipat sa isang private room nung matiyak ng doktor na stable na ang kalagayan nya. Sa mga panahong unconscious sya, hindi ako umalis sa tabi nya. Kahit sinabihan ako ng Tatay nya na ok na naman si Glaiza at pwede na muna akong umuwi at magpahinga ay mahigpit akong tumanggi. Hindi din naman ako mapapakali sa bahay knowing na hindi pa sya nagkakamalay. Gusto kong ako ang unang makita nya pagbukas ng mga mata nya.
Ilang araw na din akong hindi nakakapasok. Dumalaw na ang mga kaibigan at classmates namin sa Cambridge dito sa hospital. Showing their symphaties. Even my mom went here pero hindi ko sya hinarap kaya sila ng Tatay ni Glaiza ang nag usap. My dad called to checked on me, malamang sinabi ni Mommy ang nangyaring conversation namin the other day. Hindi naman kase nagging ugali ni Dad na kumustahin ako kaya nakapagtatakang bigla na lang syang nag long distance call sa'kin.
"R, gusto ko ng tubig." Narinig kong sagot nya at hinawakan ako sa kamay para pigilang umalis.
Dalidali ko syang inabutan ng isang basong tubig. Halos maubos nya ang laman ng baso. Iniabot sa'kin pagkatapos at ipinatong ko naman sa side table.
"Ok ka na ba? Wala bang masakit sa'yo?" Tanong ko mayamaya. Halata ang pag alala sa mukha. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba sya o yayakapin. Basta masaya ko na nagising sya.
Ngumiti lang sya bago nagsalita.
"Ok na ko. Gusto ko ng umuwi."
"G, hindi pa pwede. Kailangan ka pang matingnan ng doktor. Dito muna tayo habang hindi ka pa magaling." Protest ko at hinawakan sya sa isang kamay.
May sasabihin pa sana sya ng pumasok ang doktor na naka assign sa kanya.
"Gising ka na pala Glaiza. Kumusta naman ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nahihilo, nanghihina?" Tanong ng doktor sa kanya.
BINABASA MO ANG
Feels Like Home
RomanceMahalagang paalala mula sa may akda: Maghanda ng sangkaterbang tissue at tubig sa inyong tabi bago simulang basahin ang nobelang ito. The author is not liable to any heartaches and pains that you will feel after reading this story. Feel free to stop...