Episode 25: Meeting Kiel

466 12 4
                                    


Sam's POV


I tried to open my eyes. Nasa isa akong spacious room. May table sa right side ko na malapit lang sa bintana, at sa left side ko naman ay, "Mika?"


"Sam! Nagising ka na!"


"Ouch. Kailangan talagang sumigaw? But wait, am I still alive?" I tried feeling for my hands.


"Oo naman! Obvious ba!"


"Tsk. Akala ko kasi anghel ka eh." I touched my head and it aches like hell. Nakahiga parin ako sa kama. Ang sakit ng katawan ko.


"Hu-"


"Ehem" I tilted my head at tingnan kung sino yun.


"Kiel! Tingnan mo oh! Gising na si Sam!"sigaw ni Mika sa kararating lang na lalaking black haired at sa tinggin ko ay bata lang sa akin ng 1 year. Kakaiba ang tingin niya sa akin.


"I know. Nakita ko naman diba Mika? I'm not blind." Oh I remembered! Arogante magsalita at mukhang masungit. Siya si Kiel, yung kinuwento ni Mika sa kin na childhood friend niya.


"So, how are you Creed?" I froze. How could he have know me? But of course, sikat nga ako diba. Creed the Assassin. Nakatinggin siya sa akin na walang expression ang mukha pero cold ang mga mata.


"Hindi siya si Creed. Sam siya! S-A-M!"


"Mika, marunong ako magspell. Psh." nakalean na siya ngayon sa pader malapit sa pinto.


"I'm fine I guess." I tried to sit up. Sobrang hirap nga lang at nung nagawa ko nang makaupo, napansin kong biglang umiwas sakin ng tinggin si Mika. Namumula din ata? Huh?! Anong nangyare ka-


"Tss. Put this shirt on. Stupid." Aray. Letsugas na Kiel yan. Binato kasi sa akin yung isang tshirt. Malakas! Sorry naman ah? hindi ko kasi alam na wala pala akong suot na pangitaas kasi may benda ang upper body ko.


"Thanks. And you can look now Mika. Sorry."


"Gutom ka na ba? Gusto mo ba ng tea? Or coffee? Water?"


"Err."


"Mika. Obvious ba? Kita mo nang di pa nakain ang tao ng dalawang araw, tapos tatanungin mo kung gutom? Really." sabi ni Kiel sabay taas ng kilay niya.


"Sige na, sorry na daw Kiel. Ikaw na nakaisip nun! You're so bright! Baka ikaw lang ang gutom eh. O siya Sam, I shall return, kukuha lang ako ng pagkain." sabi ni Mika at tumayo na sa upuan niya beside my bed.

Sono sekai (That World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon