Episode 33: I volunteer!

336 12 3
                                    


Aya's POV


"Children. Enough. Balik topic pwede?" seryosong extra ng master nila. Nalito na siguro sa amin. Buti nalang sinabi nya yun kung hindi siguro baka naging arsonist na to si MK. Tumatawa pa si Sam, pero binitiwan na niya ako, pero nagwink muna sa akin. Weirdo talaga 'to. Pero bat nya naman sinabi na nagseselos daw si MK, eh waley naman yun. Asa pa. Hayts.


"Ano nga yun master?"


"Sa tingin ko alam ko na ang perfect na weapon kay Aya." Uy naalert naman daw ako dun. Tinitigan namin siya at naghihintay sa kanyang sunod na sasabihin. Naeexcite na ako, yan na kasi yung ituturo sa akin.


"I think it's best na long range nga sa kanya. Tipong pwede siyang makatulong sa atin pero nasa safe distance lang siya at maraming kasama. Hindi din siya madaling makikita pag ito gamit niya." Hala naman, exciting! Ang wand at invisibility cloak ba ni Harry Potter gagamitin ko?


"At isa pa, sa paraang ito, pwede din nating magamit ang pagiging healer niya. Nasa malayo na siya at makakatulong pa siya. Basta all in one!" Wait, gagamit ba ako ng rune gaya ni Clary Fray ng The Mortal Instruments? Saka ano yung healing healing, mag-aala Lisa Dragomir din ba ako ng Vampire Academy? Pero wait, seryoso ano ba?


"Okay. So?" irritated na tanong ni MK. Di lang ata ako nabibitin.


"She will use a bow and arrow." Bow and arrow daw? Shet si Katniss Everdeen pala ako! Wooh! Masaya yan!


"I volunteer!" I shouted. Tumingin sila sa akin na mukha akong baliw.


"Anong I volunteer?" puzzled na tanong ni Sam. Itsura ng mga taong to, parang ngayon lang yun narinig.


"Ay hindi niyo kilala si Katniss? Yung sa hunger games? From district 12? The girl on fire? Lovelife ni Gale? Pero star crossed lover ni Peeta? Kapatid n— Ouch. Bakit Sam?" binatukan ako ng mahina pero naputol tuloy speech ko. Tinuro niya si MK na nagfliflick ng fingers niya na nagiging dahilan ng paglabas ng konting sparks ng apoy. Ay.


"Ang ingay mo. " pero dahil masaya ako ngayon, nagbehlat lang ako sa kanya. Naging dahilan nanaman ito para tumawa si Sam at Master nila. Tapos imbes na magalit, umiwas lang ng tinggin sa akin si Kiel, and muttered something.


"So, sino po magtuturo sa akin? Ikaw ba Sam?" I looked at him hopefully.


"Hmm, o--"


"Ako." nilingon ko si Kiel.


"Ha?"


"Tch. I'll teach you." he answered nonchalantly. Para bang napakanormal at natural lang ng sagot niya. Parang kanina lang hindi niya ako inaaway. Pero wait, tiningnan ko Master nila, nagshrug lang ito. Si Sam naman nagmouth ng 'sorry'.

Sono sekai (That World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon