Chapter 36: Is it real? Is it real?

252 10 2
                                    


Aya's POV


Nagising ako sa huni ng mga ibon. Sinag ng araw na galing sa bintana. Sa pagaspas ng mga alon. Sa tahimik at maaliwalas na kapaligiran. Hay, pero sympre joke lang yun. Nagising talaga ako kasi medyo maingay na sa labas at umaga na. Lumabas ako ng kwarto at tumambad sa akin ang busy na paligid at madaming tao. As in busy. Busy!


Noong natulog, este pinatulog pala ako kagabi apat lang kaming nandito sa bahay pero ngayon mukhang nagtimes two times two. May mga nagmamadaling naglalakad, may mga nasa gitna ng pag-uusap sa sala, may muntik pa akong makabanggang may mga dalang scrolls? May nakita pa akong nagtratraining sa backyard. Natulog este pinatulog lang ako ng ilang oras ganto na inabutan ko? Anyare? Eto pa matindi, edi habang naglalakad ako at nagsusurvey ng bahay, madami din akong nakakasalubong, hindi sila isnob, nakasmile pa nga sa akin. Pero medyo weird lang kasi merong iba na tinatawag akong 'Mika', eh hindi ko naman ginagamit yung nickname na yun. Weird. Tapos meron ding iba na halos abot tengga ang ngiti at tinatap ako sa balikat. Yung animo'y kilala nila ako? Mala 'Oy hi friend long time no see.'Sheez, super friendly naman sila.


"Ouch."napaatras ako at nakayukong minasahe yung noo ko, hindi ko agad nakita may tao pala. Masakit makabangga ng isang tao na malapad ang likod.


"What the--. Oh. Hi, Good morning Aya." humarap sa akin yung nabangga ko. Shet, what in the seven hells is this? Imbes na magalit o magreklamo o magsabi na good morning din o kahit umalis nalang hindi ko nagawa. I was in shock! Wala akong ibang nagawa kundi tumitig sa kanya. Parang nakalimutang gumana ng mga muscles at brain cells ko sa katawan. Nakalimutan ko din agad yung sakit ng noo ko.


"Are you okay?" lumapit siya sa akin, nakita na nakahawak pa rin ako sa forehead ko, he brushed my hand aside and patted my forehead gently. "Does it hurt?" concerned niyang tanong sabay tilt ng kanyang ulo. Medyo puzzled na yung mukha niya pero ako? Nganga pa rin. At litsi, dahil hindi ako makapagsalita umiling nalang ako at yumuko. Hindi ko mawari kung anong nangyayari at pano to naging posible. Nakakaspeechless. Pero yung reaction ko ay naging dahilan para tumawa siya ng mahina at magcomment na, "You're really cute when you're shy."


I gasped. Totoo? Sinabi niyo iyon? I stared at him with shock and disbelief. Dahil sa itsura ko, I heard him chuckle. Pero naman kasi, hindi pa ako makakilos o makasalita. I mean, ano gagawin mo kapag ang isang drop dead gorgeous na blond, pale, chinito na green-eyed guy ang magsabi sayo niyan? Tingnan natin kung pano pa magfufunction ang iyong hypothalamus. Teka, am I still dreaming? Kasi kung oo, don't wake me up please.


"Hoy, ano na naman ginawa mo kay Aya?" Ay, may narinig akong sigaw mula sa likod. Sympre nilingon ko at si Sam! Nakakunot noo at mukhang concerned?


"Wala. Sige Aya, later." Later? magkikita pa kami later? Shock! I'm gonna die! Wait, later na pala. I managed to nod at him and smile bago siya tuluyang umalis. Nasa dreamy state pa nga ako, ng marahang alugin ni Sam balikat ko.


"Aya! Okay ka lang?" medyo ramdam ko yung pagalog niya, gising na nga ako. Pero wait, ibig sabihin? Nakita kong lumiko na siya palabas at saka ko tiningnan si Sam.


"Is it real? Is it real?" I asked excitedly.


Sono sekai (That World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon