Episode 8 : I'm alive? I'm alive!

545 22 9
                                    


Aya's POV


Naramdaman ko nalang na biglang humarap sa akin si MK tapos niyakap ako. At parang hinila? Tapos may naramdaman akong impact na galing sa right arm niya. Naging mabilis yung nangyari, natamaan siya ng arrow sa balikat niya, na dapat sigurong tatama sa akin kaya nabitawan niya yung kabayo at nahulog kami sa ------------ BANGGI?!


Sa lakas ng impact ng pagkahulog namin, napaaray nalang ako. Pero pagdilat ko, buhay ako! P-pero naramdaman ko na parang may nakayakap sakin


"Tss. Get off me", inis na sabi ni MK sakin.


"Ay sorry!" Kaya pala mahina yung impact kasi siya yung sumalo sa akin, kaya may cushion yung pagbagsak ko. Madungis na tuloy siya


"Ayos ka lang?" tanong ko


"Tss." taray! Eto lang ang nasaktan na at lahat, mataray at poker face pa rin. Sinubukan niyang tumayo pero napilay ata yung left foot niya. Dumudugo eh, tumama siguro sa bato. Tapos yung braso niya pang isa may pana! Malalim na ata yung sugat. It's all my fault


"Sorry"


"Tss." sumandal nalang siya dun sa lupa na hinulugan namin at tahimik na tinggal yung pana.



Kiel's POV


"Tss." Masakit yung tama nung pana ah, lokong Ogre yun, humanda siya akin at mapapadali ang oras ng kanyang kamatayan! Dumudugo tuloy ang braso ko. Napilay pa at nasugatan ang paa ko dahil sa pagbagsak namin.


"Hala, sorry talaga. Kung di mo ko tinulungan edi sana--" kung di kita tinulungan edi sana nakalanding ako ng walang galos, pero baka ikaw naman yung namatay.


"Shut it. It's not your fault. I'm fine." Di ko naman sinisisi tsk. Mabuti naman at natahimik na siya.


"Shit" humahapdi na ang sugat ko na dahilan para mapaubo ako, pinunit ko na yung manggas sa braso kong may tama. Tae yan, dumudugo pa.


"Dumudugo ang sugat mo" Wow. Tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay. Nice observation ha?


"Teka lang, kukuha ako ng panglinis na tubig." Malapit lang pala kami sa isang lake or dagat ata to, ewan medyo blurry na ang paninggin ko. Weak naman ng katawan ko, at ngayon pa talaga. Kinuha niya yung pinutol kong manggas at pagbalik niya, may dala na siyang basang tela. Tumabi siya sa may sugat kong balikat. Umiiyak ba to?


"Oy, why are you crying? May patay?" burol ko ba to? iniiyakan? Psh


"Kasi kung di dahil sakin, di ka masusugatan", humihikbi niyang sagot


"Psh. Just clean my wound, arte pa." tumango naman siya at saka nagpahid ng luha. Pinunasan nya ang sugat ko ng marahan. Dahil nga mahapdi, di ko mapigilang mapamura. And everytime I did this, napapayuko siya at nagsasabi ng sorry. Ilang beses ko ba uulitin na di niya naman 'to kasalanan? Tsk. Noong halos malinis na ang sugat, narinig ko siyang nagsalita.


"Master, bakit parang violet na liquid?" Damn it. Kaya pala ako nahihilo. Lason.


"I will skin that fucking Ogre." I muttered under my breath.


"Sorry" ito na naman to. I sighed.


"I told you, it's not your fault." Bigla akong umubo at napatakip ng bibig. Nang makita ko na may dugo, agad ko itong tinago, baka makita pa nitong isa. Tumayo siya ng tahimik at nagpunta sa dagat. Pagbalik niya, malinis na uli yung tela at pinagpatuloy niya ang pagpupunas sa sugat ko. Pero napansin ko na umiiyak siya. Sinabi ng di niya kasalanan, kulit ng lahi.


"Sorry t-talaga", sabi niya nang humihikbi at pasimpleng nagpupunas ng luha. I looked away and clenched my fist.


"Don't cry, stupid." Tumawa siya ng kaunti at diniinan ang paglilinis saa sugat ko. Ay bwiset. Pero habang tumatagal, parang nawawala ang pagkahilo ko. Nagiging malinaw na ang paninggin ko, at parang nawawala yung hapdi ng sugat. Nabigla ako nang marinig ko siyang sumigaw.


"What?"


"N-nawala yung sugat mo!" Huh? Oo nga. Nagagalaw ko na yung balikat ko, paghawak ko, humilom na nga.


"Baka dahil sa tubig! Teka kukuha lang ako!", sigaw niya saka tumakbo sa tubig. Baka nga, papacheck ko nga tong lugar na to kay Clair or Shun, baka pwde itong magamit as healing potion.


"Ayos lang ba kung ilagay natin sa paa mo?" tumango lang ako. I cursed under my breath. Letse ang hapdi! Pero noong lumaon, naramdaman ko na parang gumagaling na rin ito.


"Nawala nga yung sugat! Ang galing nung tubig!" Oo nga, I feel brand new. Pwede na kaming maglakad nito pabalik. Pero may napansin ako,


"Oi, Are you okay?" pumipikit pikit kasi yung mata niya saka parang matutumba siya


"B-bigla akong naan- " di pa nga niya natatapos yung sasabihin, bigla nalang siyang bumagsak, pero dahil nasalo ko kaagad ang balikat niya, hindi siya sa lupa dumiretso. Sayang


Sono sekai (That World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon