Episode 29: Lies

337 12 3
                                    


Sam's POV


"Ako."


"Nice one." I managed a laugh pero napansin ko na straight-faced padin ang itsura nya. "You're kidding right?"


"I'm not Sam. I wish I could. But no." what the actual fuck? Si master galing din sa earth? Eh yung totoo?


"The day we sent Mika to the portal, I caught a glimpsed of the life of Ayame,her other persona. Nakahiga sa hospital bed ang earth version ni Mika, my oxygen mask at halatang malapit nading malagutan ng hingga, hindi ko alam kung dahil ba ba sakit yun o aksidente, pero isa lang ang sigurado ako, magkadugtong talaga ang buhay nilang dalawa. Pero hindi lang si Aya ang nakita ko, nakita ko rin sa image ang counter part ko."


"You mean, yung earth version mo po?"


"Oo. Sya yung nagbabantay ng panahong yun. Kaya ng hinulog ko si Mika sa portal, nakita nya ako at sa oras na magsama si Mika at Aya, naramdaman ko din na parang my sumapi sa akin. Or nagpass through pero hindi ko yun pinansin. Dumiretso na ako kaagad sa inyo ni Kiel ng panahong yun.You remember right? " Yes I remembered. I still remember clearly. Yung panahon na unang beses na umiyak si Keil. Yung tinanggal ni Master ang lahat na memoryang connected kay Mika sa mundong ito. The pain. The fear at yung tinggap ko ang position as an assasin. I remember all too well.


"So what happened then?"


"Apparently, nakuha rin ng portal ang counter part ko. Parang kapalit ni Mika. At nagmerge din sya sa akin. Saka ko lang ito narealize nang bumalik na ang mga alala ng earth-version ko. Yung family ni Aya. Yung buhay sa earth. Yung dahilan kung bakit nakaratay sa hospital bed si Aya at iba pa."


"Wait. So you mean, kaya nawawala yung dad ni Aya/Mika sa earth kasi nandito na rin sya sa mundong ito? Ikaw din talaga yun?"


"Yes."


"But, you. You denied her! Sabi nya hindi mo daw talaga sya kilala, akala ko you were trying to protect her! But you -! Wait. It all makes perfect sense now!" I paced back and forth. God, nasstress ako. So all those things na sinabi niya kay Aya ay dahil nagpapanggap talaga si Master. Yung pagsisinungaling na kilala niya si Aya. But I should have seen it. Ganoon kasi ang ginagawa nya kapag he is hurt but trying not to show it. When he's afraid but trying to avoid it. And when he clearly knows something but trying to deny it. Nagiging cold si master at distant. Parang wala talaga syang paki sa mundo. Kaya nasamaan nya ng trato kanina si Aya, kaya hindi nya kinilala bilang anak nya, kasi natatakot sya na malalaman nila ang lahat ng sekretong tinago namin sa kanila.


"And kailangan nya ulit makabalik sa Earth as soon as possible."


"Siguro naman bago si Aya bumalik, magpapakilala ka sa kanya. Or kay Kiel." I peered at him.


"I'm sorry Sam. But no. Pero it's for everyone's sake." Putcha. Yan nanaman sya eh, 'everyone's sake' tapos yung everyone na sinasabi wala namang nagiging masaya. I just stared at him.


"So, ano plano?"


"I-. Sorry. Tatawagan ko ang ibang pwdeng makatulong sa atin. Siguro ito na ang panahon para ilantad ang masamang plano ng Hari. This is not just about my family, this concerns the realm. Kailangan nang umaksyon at tumiwalag ang mga Elders." humarap ulit ako sa kanya, but with no real emotion showing in my face.


"A rebellion. Right. Sabihin nyo nalang kapag may kailangan pa kayo." I turned my back on him, but I think I'm not yet done.


"Wait, kung yung plano po pala may halong kasinungalin, I would rather stay out of it. I'm tired of lies." I saw him flinched at my words. Poker faced ko kasi yang sinabi pero sa utak ko? A million curse words some even worse than the first. I wanted to tell him that he's wrong. So fucking wrong. That he is unfair. Unfair kay Aya, Unfair kay Kiel, Unfair sa akin and most especially unfair sa sarili nya. But what could it do? He has made up his mind. I walked away. Kailangan ko ng mapag-isa.


Pumunta ako sa likod ng bahay ni Master. Medyo magubat na dito, ito kasi yung training grounds din namin dati. Umakyat ako sa pinakamataas na puno na nakita ko. At umupo sa sangga. Yung upong buong lower body yung kasama, nakalean lang kasi yung likod ko. From this view, almost kita ko ang buong paligid, mga ilang metro or so ng perimeter. Ganoon kataas yung inakyat ko. Kita ko rin yung bahay.


Nagmatyag muna ako sa paligid para siguradong walang nakasunod sa akin, at saka ako pumikit. Nakatulog na siguro ako ng ilang oras ng may marinig akong kaluskos sa ibaba. Bigla akong naging alerto. May naglalakad na papalapit sa direksyon ko. Nilabas ko yung isang dagger at mainggat na umupo ng maayos. Ready to strike. Natigilan ako ng makita ko ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Si Ezekiel. Pero ano naming ginagawa nya dito ng gantong oras? Magsasalita na sana ako pero muli akong nabigla sa sunod nyang ginawa.


Pumunta sya sa puno kung saan ako nakaupo, pinatong ang kanyang ulo doon at nakita kong nakafist ang kamay nya na nakalapat din sa puno. Ano problema ng taong to?


"Damn it!" Hoy hindi ako ung nagmura ha? Si Kiel yun, tapos sinuntok niya din ang puno. Gagong 'to ah, muntik pa akong mahulog. Pero hala, anong nangyayari?


Sono sekai (That World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon