Episode 31: Mas mataray pa sila sa akin

349 12 3
                                    


Aya's POV


Simula pagkagising ko kaninang umaga, seryoso nang nag-uusap sila Kiel, Sam at Da- Master nila. Haay. So eto, naglalakad lakad nalang ako. Boring sa loob. Magpaka dora the explorer muna ako. Beckpeck, beckpeck.


Sa likod ng bahay, may nakita akong parang entrance sa gubat. E dahil entrance nga, pinuntahan ko. Pero hindi pala talaga siya gubat na gubat kasi merong isang malawak na clear space sa gitna. Meron ding mga carved chairs at isang table sa gilid. Nasa gitna ng maraming puno. Cool. Matataas na puno yung nandito. Di ko nga kita yung sun e, kaya medyo malilim. Pansin ko din na yung mga puno sa gilid ay parang may mga slashes yung trunks. Parang pinagtatataga. Yung isa naman may dent yung trunk, sinuntok kaya to? Parang bagong sugat lang e. Weird. Tapos ito pa, may isang puno na may drawing na talong circle. Paliit ng paliit, yung parang sa darts lang. Tapos may mga butas sa loob ng bilog. dart board yung puno? Naku, parang training ground naman it--


I screamed.


"What -"


"Letse ka MK!"


"Ouch. What is your problem?" Binatukan ko kasi, mahirap yun ah, mas mataas kasi sa akin. Anyway, kasi naman habang naglalakad ako bigla akong hinawakan sa balikat. Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras.


"Akala ko kasi kung an--"


"What happened/Anong nangyari?" biglang sumulpot si Sam at Master nila. Halatang nabigla at nataranta.


"Nothing. Tss." nagroll eyes lang si Kiel at tiningnan ako ng masama. Tinaasan naman siya ng kilay ni Sam. Uy taray ng lolo nyo, gumanti ng taray kay Kiel.


"Anyway chibi. We need to talk."


"Hoy bastos! Hindi ako chibi!"


"Yeah, whatever. Just go." tapos tinulak tulak pa ako papalapit dun sa bahay. Nagmamadali lang? Pero infairness, mahina lang tulak nya, hindi brutal. Nakita kong nakasunod sa amin sa Sam at Master nila, mukhang seryoso ang pinag-uusapan.


Pagkarating namin sa loob, dumeretso na kaming lahat sa sala. Korteng U ito. Tapos may table sa gitna. Nakaupo si Kamukha-Ni-Dad-Na-Hindi-Naman-Daw-Si-Dad dun sa gitnang upuan. Tapos tumabi sa kanya si Kiel. Close talaga sila. Medyo mahaba naman yung upuan nila pero nahiya naman na akong tumabi kaya umupo nalang ako dun sa upuan ng left side nila.


"Err. Ano po?" Awkward e. Nakatinggin sila pareho sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Wala pala si Sam. Hindi ko mahanap, nagpaiwan siguro sa labas.


"We're going to a rebellion."


"Huh?"


"Master said that we're going to a rebellion."

Sono sekai (That World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon