Episode 20: Is it better?

448 15 7
                                    



Sam's POV


Ako muna magpPOV dito. Busy ang mga tao eh. So, walang aangal okay? Pagkauwi namin ni Aya sa bahay ni master, nakita naming nakaabang si Ezkiel sa pinto. Nanlilisik ang mata. Galit na galit eh, my usok na ngang lumalabas sa ilong nya. Nakatinggin siya sa amin ng masama. Well, alam ko namang para sa akin ang 'death glare' niyang iyon. Pero dahil di yun pansin ng katabi ko, ayun, si Ayame, takot na takot. Nakatago na nga lang sa likod tapos nakahawak sa manggas ng damit ko.


"S-sam, ayaw ko na ata p-pumasok diyan, kahindik hindik na talaga ang itsura ni Kiel" kabado niyang sabi na ay paghila pa sa akin palayo


"Ayos lang yan, Aya. Wag kang mag-alala. Lalagpasan lang natin siya. Okay?" tumango naman siya kaya naglakad na nga kami ng dirediretso. Nalagpasan na namin si Ezkiel na nakatayo sa may entrance, kaya nasa loob na kami ng porch. Hahakbang palang sana ako ulit ng magsalita sya


"Why did you run off like that Ayame?" Medyo cold yung pagkakasabi niya, pero mapapansin mo rin ang concern dito


"Ah eh. K-kuwan. Ah kasi" nauutal na saagot naman ni Aya. Malamang di niya din napansin yung concern tone dito ni Ezkiel, kasi nga ikaw ba naman humarap sa isang nagevolve na isang monster, makapag-isip ka pa ng matino?


"Come here!" Bigla nalang hinila ni Ezkiel si Aya sa pagkakahawak sa akin. Medyo harsh yung pagkakahila niya, narinig kong umaray si Ayame. Tsk, hihilahin or mas appropriate siguro ang 'kakaladkarin' na naman sana ni Ezkiel si Aya papasok sa bahay, pero pinigil ko siya.


"Hey, hey Ezkiel, is that how you treat a girl?" hinawakan ko ang free hand ni Aya


"Let. go. Sam." intense yung pakakabigkas niya, mangangain na ata to ng buhay eh. Pero sorry siya, di ako nasisindak


"Why woul-"


"Shit. What the fuck?" pinunasan ko ang dugo sa labi ko. Ang lakas ng suntok na yun ah. Sa pwersa niya eh, nakalabas na ako ng porch at napaupo sa lupa.


"Sam? Ayos ka lang?" narinig kong sigaw ni Ayame. Tingnan niya ng masama si Kiel.


"Tsk. Leave him be!" Aya would have retorted pero nag glare si Ezkiel sa kanya. Nagnod nalang ako sa kanya as sign na 'ayos lang ako sumama ka na sakanya'. I heard her sigh. Ezkiel gave one last scowl at me at saka sila pumasok sa loob.


So ngayon ang sakit ng pangga ko. Gago talagang Ezkiel na yun, nagselos ata nung nakita kaming magkasama ni Aya. Pero actually, kanina ko pa siya napansin, kahit nung nasa gubat palang kami. Lalapitan niya nga ata si Aya pero naunahan ko siya. Ang bagal kasing kumilos eh, talo pa ang pagong! Psh. Well, anyway, umalis din siya ng galit after ng ilang minutes. Pano ko nalaman? Sinuntok niya lang naman yung isang puno. Naputol nga ata sa sobrang lakas eh, buti di narinig or nakita ni Aya, busy kasi sa katatawa.


Naghihintay ako ngayon sa likod bahay ni Master. May mga upuan at table kasi dito sa ilalim ng puno na overlooking ang loob ng bahay niya. Iniwan ko muna yung dalawa sa loob. Nagtatalo nanaman ata? Aso't pusa talaga ever since, tsk. Naririnig kung nasigaw si Ezkiel, tumataas nanaman altapresyon non, pero sympre si Aya ay hindi nagpapatalo. Lumalaban ang ate nyo. Pero ang sarap batukan at ilublob sa tangke ng muriatic acid si Ezkiel! Di man lang nakuhang maging sweet kay Aya? Uso pa ba yun ngayon? Yung pagiging 'tsundere' sa mga mahal sa buhay? Habang nakaupo ako at nagmumuni-muni, dumating na si Master. Naninigarilyo. Hmm, that's a sight I haven't seen for a long time.


"Stress eh? Or are you tired of this 'pretend'"? pang momock ko sa kanya. Tinaasan nya muna ako ng kilay bago siya nagbuntong hininga at sumagot kasabay ng pagbuga ng usok.


"Both. She has grown a lot." Kitams. Pareho lang sila ng feeling ni Aya eh. Ba't kasi kailangang magtago ng nararamdaman. Letse, akala niyo sa romantic relationships lang my dramang ganto noh? Well, you've thought wrong. Kasi this feeling of pain can be felt, once the word "love" gets involve. Familial and paternal love are no exception.


Master could be considered as "Aya's father". Medyo complicated nga lang ang sitwasyon nila, but it doesn't change the fact na mag-ama talaga sila. Regardless of the dimension barrier or space. I chose not to tell Aya about it, kahit alam ko naman ang totoo. I sometimes even think that this world is unfair. Bakit nga ba yung mabubuting tao ang kailangan maghirap? Nakakaasar at iironic lang ng sitwasyon nila, para lang silang nasa never ending cycle ng paghahanapan at pagtatagu-taguan. Takte, ako ang nalilito eh! Wala naman akong magawa to change the situation.


"So you don't have any intention of telling her the truth?"


"No. Not now and not never." firm na pagkakasabi niya


"Bakit naman? Pareho lang naman kayong nahihirapan eh. It seems like you're making the situation worse."


"Believe me, it's better this way"


"Seriously? Kelan pa naging 'better' kung ang lahat ng involve ay nasasaktan? Ni wala sa inyong masaya. At saka Master, karapatan din namang malaman ni Mika ang totoong pagkatao niy-" Naputol ang dapat kong sabihin dahil sa bigla niyang pagpalo sa mesa. Nadurog pa ang hawak niyang sigarilyo at nakatinggin siya ng masama sa akin.


"Don't you dare makialam Sam! Not a word to her. And she's no longer Mika, it's Aya now. Understand?" He is dead serious.


"Okay, okay. Chill Master. Di ko yun gagawin. Buhay niyo yan eh. Just tell me kung kailangan niyo ng tulong ko. Alis na ko." Tumayo na ako, wala din namang patutunguhan yung usapan eh. I took one last glance sa loob ng bahay. Naaaninag kong kumakain na si Aya sa kitchen at sa sala naman, which is opposite of it ay nakaupo si Ezkiel na pasimpleng sumusulyap sa kanya. Hay naku, Ezkiel. Hindi ko alam ang gagawin ko sayo.


"Tsktsk. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig." Babalik na ako sa bahay ni Elder Undine. Tutal dun naman talaga ang trabaho ko. Dumaan lang ako dito. Habang naglalakad ako sa masukal na gubat, napansin ko na may lumilipad at umaaliggid na crow sa aking uluhan. Pagtinggala ko, true enough, messenger crow yun ni Elder. What could have happened? Bakit kaya siya nagpadala neto?


Usually patient siya magbigay utos at hinihintay niya na magkita kami ng personal o makabalik ako sa mansion niya bago magbigay ng bagong mission. Di kasi niya ugali magsend ng messages kasi risky masyado, para sa buhay niya, location at pati narin sa akin. Elders ang isa sa pinakamakapangyarihan at influential na tao dito. Tumigil ako sa paglalakad at inistretch ang kamay ko. Dumapo naman doon ang uwak.


"Solvo!" usal ko at ang dating ibon ay naging isang scroll na. Luminga linga ako sa paligid, I'm not alone in this forest. At tama nga ang hula ko, kasi ang mga dating anino ay nagmaterialize as beasts sa aking harapan. Sampu pa sila. Tsk, hassle.


"Tsk. Maling mali ang taong i-aambush niyo." Binulsa ko ang scroll at tingnan sila.


"Tingnan lang natin kung sino ang mali! Ogres!" may sumigaw mula sa itaas.


I sighed. "Okay. Don't say I didn't warn you."

Sono sekai (That World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon