Episode 10 : Mei Rin Williams

493 16 6
                                    


Aya's POV


After naming kumain, dahil maaga pa naman, lumabas ako ng mansion para maglakad-lakad at para na rin mag muni-muni. Nalaman ko na sobrang tagal pala ng isang taon dito, unlike sa Earth na 365 days lang, dito sobrang tagal! Weird talaga ang sense of time. Minsan daw ang full moon dito, tumatagal ng ilang buwan. Anyway, maliwanag ang paligid dahil sa ilaw na galing sa buwan. Pakatapos ng ilang minuto, napansin kong napalayo na pala ako sa mansion. Umupo muna ako sa paanan ng isang malaking puno na kaharap ng isang lagoon. Tapos yung buwan naman kita ko siya sa side view. Di ko sure kung lagoon ba talaga itong nakikita ko o lawa na, mukhang ang lalim at ang lawak pa eh. Mayaman talaga ang pamilyang ito. Sila na talaga.


Habang nagmamasid ako, may nakita akong girl na kararating lang at naglalakad sa may gilid ng lagoon. Parang may hinahanap ata, pero di yun ang importante, yung babae na yun ay may kamukha! Hindi ko sure kung siya nga iyon, pero


"Mei Rin!" I shouted, lumingon ka please. Inulit ko pa yung pagtawag at pagkatapos ng pangatlo, lumingon nga siya! Si Mei nga iyon! Nandito din sa mundong ito ang isa sa mga bestfriends ko! Yung happiness ko naguumapaw!


"Tinawag mo ba ako?'' Tumakbo na ako at sinalubong siya at saka siya niyakap.


"Mei! Miss na kita!" yakap-yakap ko pa rin siya pero naramdaman ko na naiilang siya kaya bumitiw ako.


"B-bakit? Di mo ba ako namiss?" normal lang naman kasi sa aming magbabarkada ang magyakapan, parang lambing ba. Isa si Mei sa mga best friends ko, apat kasi kami. And napakasaya ko kasi nakita ko siya dito!


"Err. No. Ano nga palang ginagawa mo dito?" biglang nagbago ang aura nya at ugali. Kung kanina parang naiilang siya sa akin, ngayon nakangiti na siyang nakatinggin sakin. Ikinuwento ko sakanya yung mga nangyari sa akin these past few days. Medyo nagtataka nga lang ako kung pano siya nakarating din dito at parang kilala niya yung pamilya nila MK. Pero who cares. Ang mahalaga nandito siya ngayon, kasama ko.


Naglalakad kami ngayon sa tabi ng lagoon. Halos maramdaman ko na ang lamig ng tubig dahil sa lapit namin. At saka magkahawak kamay naman kami ng kamay, swing swing ba, charot. Malalim pala talaga 'to at napakalawak pa. At ang ganda nung reflection sa tubig. Ako yung image eh. Pagkatapos ko magkwento ng kung ano-ano, nagsalita si Mei.


"Balita ko nga close na close na kayo eh."


"Ah siguro. Ang babait kasi nilang lahat!" well, of course, except kay Manong


"Mabait si Saikki?" tanong niya kasabay ng paghinto ng aming paglalakad.


"Si Ikki? Oo naman, sobra!" Kasi di ba, mabait talaga siya. Si Ikki lang ata, ang medyo normal ang pag-iisip sa kanilang magpipinsan. Pero dahil sa sinabi ko, bigla siyang tumingin sa akin ng masama na kinagulat ko.


"Ganoon ba? Close na talaga kayo noh?" sagot niya na parang sarcastic?


"Oo. Kaso nakakahiya lang kasi parang ilang ulit na nila akong natutulungan at nililigtas.."


"Talaga?"


"Oo eh." sabi ko sabay kamot sa ulo, pero bigla niyang binitiwan yung kamay ko


"Tch. Okay, let's see, kung matutulungan at maliligtas ka nila ngayon."


"Huh? Anong ibig mong sabihin M--!"



Mei's POV


Bitch. Tingnan lang natin kung mabuhay pa siya after nito. Iniwan ko na siya habang lumulubog sa lagoon. Tsk. Ang hirap makipag plastikan sa babaeng iyon. Feeling close masyado. Pinakaayaw ko pa sa kanya ay dahil close na close na siya kila Saikki at Clair.


Bagong salta lang, feeling mo alam na niya at kilala na ang lahat. Samantalang ako na halos buong buhay kong lumalapit kay Saikki, palagi lang niya akong iniiwasan at tinatarayan. The hell! Ginagawa at gagawin ko ang lahat mapansin lang ako ni Saikki. At hinding hindi ako makapapayag na may hahadlang sa akin sa porma ng isang babae from out of nowhere.


Maganda naman ako eh, matangkad, light-built, long-haired at isang napagaling na wizard. So, bakit ayaw sa akin ni Saikki? Eh noong mga bata pa kami, sobrang close naman na namin sa isa't-isa. Siya lang ang unang lalaki na aking naging kaibigan. Oh no, scratch that. He is my first ever friend regardless of gender.He had once saved me from loneliness. Pero ewan ko lang kung anong nangyari at hindi na niya ako pinapansin ngayon. What could have gone wrong?


Marami nga ang nagtatanong kung bago raw ba hinahabol ko parin siya kahit apparent naman na wala siyang gusto sakin, pero kasi nasa kanya na ang lahat. Matangkad siya, blonde ang kanyang mahabang buhok, slightly tanned at may baby face. Oozing siya with appeal at mabait. Gwapo pa rin siya hanggang ngayon pero mabait? Oo ata, pero hindi sa akin. Naglalakad na ako palayo sa lagoon ng may narinig akong sumigaw.


"Ayame!" Napalingon ako sa pinangalingan ng boses. Huh? Si Ezkiel? Nakita kong tinanggal niya yung jacket niyang suot at bago lumusong sa tubig, tumingin siya sa akin at nag glare.


"Tss. Supid, jealous freak. No wonder Ikki hates you." What the fuck? Damn that woman! To hell with her! So now, ako na talaga ang masama? Okay, fine. Sana di na makaahon ng buhay ang Ayame na yun. Tsk.



Aya's POV


I can't breath. Puno na ng tubig ang baga ko. Ganto pala yung feeling pag mamamatay na? Sayang hindi man lang ako nagkatime para mapanood at matapos yung Game of Thrones o Fairy Tail. Pero ang mas masaklap, bestfriend ko ang tumulak sa kamatayan ko.


"Ayame!" may narinig akong sumigaw ng pangalan ko. Too bad, di na ko makapagsasalita na "I'm here."


Nararamdaman ko ang unti-unting paglubog ko sa tubig. Sabi na nga ba malalim itong lagoon eh, mini lake talaga to. Pero wala, huli na ang lahat. Wala nang makakaappreciate ng information na to. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at sumama sa kawalan. 

Sono sekai (That World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon