Episode 27: Sending her out

392 14 3
                                    


Sam's POV:


Pumunta na nga kami sa palasyo. At gaya ng inaasahan, madaming guards ang nakabantay at pumigil sa aming makapsok. Pero bale wala ito sa amin, dahil kahit mas konti kami, quality beats quantity all the time. Binigyan nila kami ng daan kaya naman diretso kaming nakapasok sa loob.


"Let's split up. You know what to do if you see her. And don't get killed."


"Yes. Ikaw din po." Umakyat kami ni Kiel sa ikalawang palapag at naiwan si master sa baba.


"You go left. I go Right." At saka ako iniwan ni Kiel. Kahit na ramdam ko na unstable siya ngayon at hindi kailan man yun mabuti para sa labanan, I'm left with no choice. I saw him turn the corner. Tumakbo narin lang ako sa hallway. Kada makikita kong pinto binubuksan ko. Pero sympre di maiiwasan na may mga humaharang sa akin. And ending nila? Dead. Sorry sila, bad mood ako ngayon. Kulang pa ang mga buhay nila sa pagkidnap nila kay Mika. Ngayon na lang uli ako humawak ng espada with an intent to kill.


Ang haba ng hallway na dinaanan ko, di mabilang na pinto ang nabuksan ko. At ngayon, nasa dulo na ko. Isang pinto nalang. Last chance sa floor na to. Sana naman nandito na si Mika. I opened the door at halos manlumo ako sa nakita ko. I cursed under my breath at kabadong pumasok sa kwarto. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na makita ko si Mika dito o hindi.


Nakahiga siya sa bed. Nakapatong ang kamay niya sa dibdib niya. Nakapikit siya at napakabagal ng breathing at heart rate niya. Hindi na ko nagsayang ng panahon at tinawag ko si Master at si Kiel. Ano mang oras darating sila dito. Habang naghihintay, lumapit ako kay Mika at hinawakan ang kamay niyang sobrang lamig at pale na ngayon.


"Mika. Hold on. Please." Ilang sandali pa, dumating na si Master. May mga galos at sugat, may dala siyang isang orb or crystal ball sa isang kamay.


"Sam. Please carry Mika and follow me." Sinunod ko naman siya. Lumabas kami sa kwarto at napansin ko na wala pa si Kiel.


"Master, nahihirapan na yata si Kiel doon! Should we call him or help him?" pababa na kami ng hagdan, at makakasalubong na sana namin si Kiel pero naharang siya at kasalukuyang nakikipaglaban ngayon.


"No. Let him be. Mas makakabubuti na di niya makita ang gagawin ko."


"Huh?" Mas nagtaka ako lalo. Kasi imbes na lumabas kami eh, lumiko kami at may dinaanang parang isang secret passage. Mukhang may underground way.


"Hurry Sam. Wala na tayong oras." sabi niya ng mahina pero with conviction. Ayaw niya ding inwan dito si Kiel alam ko, pero sa ngayon, buhay ni Mika ang kailangan naming ipriority. Sumunod naman ako agad sa kanya. May tiwala ako kay Master. Alam niya ginagawa niya.


"Sam. Close that door. Can I trust you?" bungad niya sakin pagkapasok namin sa isang underground na silid. Malaki siya at malawak, pansin din na may parang malaking mirror sa isang side. Ito ata yung portal na tinatawag nila, kaya ka daw makarating sa ibang lugar basta gugustuhin mo.

Sono sekai (That World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon