Episode 39: Flashback?

214 10 2
                                    


Aya's POV


"Eric, this childish action might have cost you your title. I'll see you at my office." Tumango si Eric ngunit mapapansin mo ang smirk sa kanyang labi.


"What, seriously?" nabaling ang tingin naming lahat sa sudden outburst ni Sam.


"Sam." Hinawakan ni MK ang balikat ni Sam para pakalmahin ito


"No. I mean yun na yon?"


"May problema ba Sammuel?" nakita ko na dumating na rin yung master nila.


"Tsk. None." None yung pagkakasabi niya pero kita mo sa pagkaclench ng kamao niya ang kanyang tinatagong inis at galit. Labag sa loob yun. Pati si MK makikita mo na inis na rin pero somehow alam niya na yung kalma niya ay para sa kanilang dalawa na. Umalis na yung matandang lalaki at ibang mga naiwang tao sa library. Sumunod na umalis si Goth-guy na Eric pala ang pangalan pero tumingin muna sa amin with the I-win-this-time-look. Swear sarap ilublub sa muriatic acid.


Lalapitan ko sana si Sam at kakausapin pero agad siyang lumapit sa pwesto ng master nila at may binulong. Dahil medyo malayo ako, hindi ko iyon narinig. Parang galit lang na comment kasi kita mo yung pagkunot ng noo niya sa bawat salitang kanyang binanggit. Tuloy-tuloy din sya sa paglakad paalis pagkatapos noon, hindi man lang nagpaalam sa amin. Kaming tatlo ay mas lalong nabigla dahil sa padabog niyang pagsara ng pinto. Naiwan kaming startled at dumbfounded sa kanyang inasal. I mean, hello! Si Sam yun? Tapos biglang nagwalk-out? Wala man lang goodbye? Si Sam pa talaga?



Kiel's POV


Tinangal ni Sam ang kamay ko na pumipigil sa balikat niya at galit na nilapitan si Master.


"Sa ganyang paraan nyo po ba gustong malaman nila ang katotohanan? Hindi ko kasi alam ang maari kong magawa kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa. I'm tired of this charade." Pagalit niyang bulong. Bulong lang ang pagkakasabi niya pero sapat ito para marinig ko ang kanyang punto dahil medyo malapit ako sa kanila. Pagalit niyang sinara ang pinto at iniwan kami. What the fuck is really happening here?


"Master."


"Not now Kiel."


"Okay." If I can't get anything from him I can ask other people. I took a glance at Ayame, sakto namang tumingin din siya sa akin. I nodded at her at saka lumabas na rin ako sa library. Medyo marami pa rin ang naririnig kong nagkwekwentuhan sa labas tungkol sa nangyaring eksena kanina. Well, I guess bihira ka lang kasing makakita ng dalawang Assasins na magharapan at mag-away ng wala sa battle field. Yeah, Eric is also a Secret Assasin like Sam. Stupid jerks, walang pagpapahalaga sa titulo na kanilang dinadala. Can't they just act according to the titles they carry? Tsk. Badtrip. Matapos kong malibot ang bahay, sa training ground ko lang pala makikita ang hinahanap ko.


"Lance." Si Lance. Another elemental magic user at isa sa mga matuturing kong kaibigan dito. Minsan ko na rin siyang nakasama sa missions and I trust him.

Sono sekai (That World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon