Episode 32: Selos ka?

344 12 0
                                    


Aya's POV


Nabasag yung intensity ng atmosphere sa biglang malakas na tawa ni Sam at Master nila. Nagpabalik balik yung tingin ko sa kanilang dalawa. Sabay silang tumawa eh. Wagas na tawa. Ngayon ko lang sila parehong narinig na ganyan tumawa. I mean, bihira nga lang sila ngumiti tapos makatawa parang wala ng bukas?


Nagpupunas sila ng luha at tumatawa padin. Para bang may tinatawanan sila na inside joke na sila lang ang may alam. Wala namang nakakatawa sa expression or sinabi ni MK. Nakakatakot nga eh. Pero makabintang naman tong si MK, wagas. Nakakahurt ng feelings.


"What's funny?" MK furiously asked. Medyo tumigil na yung tawa nung dalawa, tapos nung nakatinginan si Sam at master nila, nagnod lang sila sa isa't isa. May secret conversation atang nagaganap dito. Pero iba na talaga itsura ni Kiel.


"Wala. Kalma ka lang Kiel." sagot ni Sam


"I'm asking what's funny dude!" medyo natigilan ako sa sinabi ni MK. Parang nakaroon ako ng sense of de javu. Parang nangyari na 'to. Pero hindi ko alam kung saan o pano. Imposs--


"Chill Kiel. Tinatakot mo si Aya. Kita mo tulala na." naramdaman ko nalang na pinapat na pala ni Sam yung ulo. Nakaupo parin siya dun sa armchair tapos medyo nakasiksik na nga ako sa kanya. Scary naman kasi si MK. Parang kulang nalang ilabas na niya yung espada niya at pagtatatagain kami. Pero napatulala nga pala ako, iniisip ko din kasi kung bakit ganto yung bigla kong naramdaman. Ay ewan, impossible naman na nangyari na talaga 'to dati. Magsasalita na sana ako when I heared MK murmur something.


"Dammit .Sorry. Didn't mean to frighten you." wait what?


"Huh?" tama ba yung rinig ko? Sinabi yun ni MK? Eh considerate naman pala 'to sa ibang tao e--


"Nevermind! Ewan ko sayo!" Ay joke. Bastos parin talaga. Sumigaw nanaman ba. Ipapaulit lang e.


"Okay children. Tama na yan. Back to business." tumingin kaming lahat sa master nila. Okay seryoso na ulit. Pero nakatinggin padin ng sobrang sama sa akin si MK. Problema neto? Akala ko nagsorry na tapos makakunot noo wagas?


"Sam. Umupo ka nga ng maayos doon. Geez." Ay kaya pala. Si Sam ata tinitinggnan niya ng masama. Nilingon ko si Sam. Oo nga naman, may isa pang upuan, nakikisiksik pa sa akin. Hindi naman sa ayaw ko, chos. Nagpout muna siya at saka kumindat sa akin at lumipat dun sa upuan na katapat ko. Narinig kong may binulong o sinabi pa si MK na comment pero sobrang hina tapos sinundan niya ng masamang tingin si Sam. Hano ba yan, problema ng dalawang ito?


Nang nakaupo ng maayos ang lahat, nagpatuloy yung Master nila. Tinanong niya kung maalam daw ba akong mag self-defense pero nung sinabi kung wala, nagsuggest sila na kung ayos lang daw ba sa akin na turuan nila ako kahit kaonti lang. Para daw may pangprotekta ako sa sarili ko at wag silang masyadong mag-alala. Sympre pumayag ako at binigyan nila ako ng chance na ako pumili kung ano ang gusto kung ipaturo.


"Hmm. Pwede espada?" Ewan ko kung bakit sword ang gusto kong matutunang gamitin, pero basta parang yun talaga gusto ko. Di ko maexplain.

Sono sekai (That World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon