Fifty Four - Kalabasa: Pampalinaw ng Memorya

4.6K 64 12
                                    

Fifty Four

Kalabasa: Pampalinaw ng Memorya

 

 

 

(Hans’s POV)

 

 

 

            One little two little three little indians. Four little five little six little indians. Seven little eight little nine little indians. Ten little indian boys.

                 “Uh… Miss Miss, hindi pa rin ba siya magigising?”

                 “Ah eh… baka ho matatagalan pa, Sir.”

                 “Pero gabi na. Hindi pa siya kumakain, hindi pa siya nagmemeryenda, ni hindi pa niya natatanong sa akin kung kamusta na yung iba samantalang gising na yung mga kaibigan niya. Ba’t ganu’n?”

                 “Eh kasi po, Sir, maraming dugo po ang nawala kay Miss Xera. Mas makakabuti ho sa kanya kung magpapahinga siya ng mas matagal. Kaya po mahaba ang tulog niya ay dahil sa tranquilizer na sinaksak sa kanya.”

                 “G-Gano’n ba?”

                 “Yes, Sir.”

            Tumango na lang ako tapos saka sumalampak ulit sa sahig. I swear to heavens, malapit na akong mamatay sa sobrang pag-aalala. Gusto kong marinig mula mismo sa kanya na okay na siya. What the heck? Naiinis ako. Dapat kasi ako na lang ang nauntog ang ulo eh. Mas deserve ko ‘yon. Ang soft pa naman ng ulo ni Cris.

                 “Wow. Tempted na akong limusan ka ng sampung piso d’yan, tol.”

            Nag-angat ako ng paningin. And lo and behold! The whole cast is here. I will start it from the main. Jiagh and Clyde. Potek lang, magkahawak kamay. Jhem and DT. Punyeta nagbubulungan sabay pa-cute. Lhia and Kent. Tae, nang-iinggit pa ata ‘tong dalawang ‘to. Ba’t may pahawak-hawak pa sa balakang?

                 “Magsilayas nga kayo sa harapan ko!”

                 “Woah. Nagta-transform kang tigre, dre.” Pambubuska pa neto ni Ralph. Wawa naman walang hawak, naka-distansya ang asawa.

                 “Err… Hans, kanina ka pa ata d’yan. Nag-lunch ka ba? Kumain ka na kaya ng dinner. Baka hindi ka pa nagla-lunch.” Buti pa si Jhem ang bait.

            But I shook my head no. “Hihintayin kong magising si Cris.”

            Jhem sighed. “Base du’n sa sabi nung doctor nung nagtanong kami, sa tingin ko hindi pa sila sure kung talagang no damage ang head ni Sis. Kasi naman, ulo yung nabagok sa kanya. So.… baka kaya matagal siyang magising eh may damage ngang nangyari sa ulo niya.”

League Of The Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon