Seventy Three - Crying

1.6K 47 6
                                    

A/N:

Libre po ang magmura after ng chapter. Hi, Team EClyde! Hart hart! <3 Hahahahaha! XD

-HR

Seventy Three

Crying

 

 

 

(Jiagh’s POV)

 

 

 

                 “Sa taas, b2! Ako dito sa ibaba, ubusin mo ‘yang nasa itaas!” sigaw ko kay Lhia habang iniilagan ang patalim na inaamba sa akin ng lalaki sa harapan ko.

            Hindi sumagot si Lhia pero tumakbo siya papunta sa second level nung lugar. The guy started attacking me again. It’s a good thing na nabawasan na ang higit sa trentang katao na kalaban namin kanina. Nasa sampu ang humabol kina Sis Cris at Jhem. Nasa bente na ang napatumba namin ni b2. Yung iba tumatayo kaya parang hindi rin kami nauubusan.

            I stood on my fighting stance. Masyado na silang mahina kaya alam kong malaki ang tsansa kong mapuruhan sila o di kaya eh mapatumba na ng tuluyan. Tipong wala nang tayuan.

            I attacked the one in the left side. Tinulak ko siya tapos inagaw ko sa kanya yung swiss knife. Saktong pag-spin ko nag-automatic yung reflex ko na ma-swing sa ere ang patalim. Blood gushed out from the eye of that guy na pasugod sana sa akin pero na-slash ko yung left eye niya hanggang sa right cheek niya. He screamed in pain.

            Nakita kong lumunok ang apat pang natira sa kanila. Naglakas-loob akong sumugod, umatras yung tatlo kaya yung nasa gitna ang napuruhan ng spin kick ko.  I grasped his hair then I tilt his head sideways then struck the knife sa side na ‘yon ng leeg niya bago ko siya sipain palayo.

            Tinanggal ko ang patalim na nakasaksak sa leeg niya pagkatapos hinagis ko do’n sa lalaking patakbo sa kanan. Tinamaan siya sa likuran. At dahil nakita nung isang lalaking umatras kanina na wala na akong weapon, sumugod siya dala yung bat na nadampot niyang nakakalat. Hinila ko yung lalaking na-slash ko kanina sa mata saka ko hinarang nung hahatawin niya ako ng bat. Masakit kaya ‘yon.

            Sinipa ko siya sa sikmura, kinuha ko yung bat na nabitawan niya saka ko hinataw sa ulo niya. Kala mo ah. -____-

            *beep-beep! Beep-beep!*

            WTF? Kinuha ko ang silya na nakakalat sa may tabi at hinambalos sa lalaking umatake sa’kin mula sa kaliwa. Napalakas ko ata kaya nawasak ang upuan sa ulo niya. And finally, hinimatay ang gago.

            *beep-beep! Beep-beep!*

            Oh that fvcking phone!

            Inilabas ko ang cell phone ko at sasagutin ko sana hanggang sa wala pang tumatayo pero nahablot nung lalaking leader ata nila tapos nilayo niya sa’kin ang phone ko. “Hoy! Bastos ka ah!”

League Of The Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon