Eleven - Devastated

7.4K 89 6
                                    

Eleven

Devastated

 

 

(Cris’s POV)

 

 

 

            *Tok tok tok!*

            *Tok tok tok!*

            Tsk. Sino ba ‘yun ang aga-aga? Istorbo sa tulog eh. Late na’ko nakatulog kagabi dahil d’yan sa thesis ko tapos may kung sino pang impakto ang gumigising sa akin sa kalagitnaan ng tulog ko! Ampuuuu!

            *Tok tok tok!*

                 “Sandali! Atat kayo? Ginigising ko pa kaluluwa ko!”

            Tumayo ako pagkahinto ng pagkalabog ng pintuan ko. Binuksan ko ‘yon at bumungad ang pagmumukha ng mga naka-sweat shirt at sweater na sina Jiagh at Lhia. Come to think of it, magkatunog ang pangalan nila.

            *shakes head*

            I’m still sleepy.

            *PAK!*

            O____O

                  “Gaga ka, Jiagh, ba’t mo’ko sinampal?” napahawak ako sa pisngi ko. Ang sakit. Leche mamumula ‘to.

                 “Anong klaseng kaibigan ka? Bakit di mo sinabi sa’min? May itinatago ka ba? Bakit ka ganyaaaaaaaaaaan!”

            Napatitig ako kay Jiagh. Natigilan ako. Never pa kaming nag-away. Never in our whole life naming sineryoso ang mga asaran at sakitan sa pagitan naming apat. At never kaming nagtatago ng sikreto sa isa’t-isa. Everything even the littlest thing with each other, we make sure we know that.

            Kaya anong sinasabi niya?

                 “Hindi kita maintindihan.”

                 “Sinungaling!”

                 “Hindi nga kita sinabi maintindihan! Ano ba yun? Bakit hindi mo sabihin kung anong ipinagpuputok ng buchi mo d’yan?”

                 “PFFFFT! HAHAHAHAHAHA! XD EPIC! HAHAHAHA!” XD

            Tumingin ako kay Lhia na hawak ang tyan niya kakatawa. What’s funny? Nag-aaway na kami sasabihin pa niyang epic? Nababaliw na ba siya?

League Of The Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon