Twenty Eight - Para Sa'yo

5.8K 50 6
                                    

Tweny Eight

Para Sa'yo

(Cris's POV)

"CR lang ako oy."

"Sama ako?" *____*

=_____=

"Gagu, girls rest room 'yan. Tantanan mo nga ako." -___- saka na ako pumasok sa loob.

Pumasok ako ng cubicle. Che-check ko kasi kung tama nga 'yung pakiramdam ko kanina. Tsk naman oh. Wrong timing eh. Kung kailan naman may date saka eentra ang jupiter.

(_ _")

Sabagay. Edi ba nga sisirain ko 'tong date na 'to? Ayan na, sira na nga talaga. Dinatnan ako kung kailan nasa mall.

Sumilip ako para tignan kung may ibang tao sa restroom na 'yon. Buti na lang wala. "Hans? May problema tayo."

"Ah?" narinig kong sagot niya mula sa labas.

"May problema tayo." >.

"Ano 'yun?"

"Pwede kang bumili ng tampon?"

Silence. Alam niya kaya 'yun? Ignorante siya sa lagay niyang 'yan eh marami na siyang na-ikama na babae. Tae 'to. Imposible. Kapag ako tinakbuhan n'yan kailangan ko pang mang-istorbo sa mga bruha. Eh wala na'kong perang pambili.

Ang hirap ng gipit. TT____TT

"Tampon... napkin?" yown, sapul!

"Yeah."

"S-Sige, teka. D'yan ka lang ah. H'wag mo'kong tatakbuhan." Akala ba niya trap 'yun para makatakas ako? Di kaya, totoo kayang may period ako.

"Hans? Hans and'yan ka pa? Yuhoooo?"

Wala na. Waleeeey. Maghihintay na lang ako dito. Siya... di naman siya tatakbo di ba? Hindi naman siya... madu-duwag noh? Tama, Cris. Maghihintay tayo sa kanya. At kapag di siya bumalik, balian mo na lang siya.

(Hans's POV)

Dali-dali akong nagpunta sa cosmetics na malapit sa restroom na 'yon. First time ko 'tong gagawin. Shit. Dapat mabilis lang ako. Baka takasan ako ni Cris. Kaso... paano ba 'to? Paano ko kukunin 'to eh may mga nakatingin? Nakakahiya.

Kukunin ko na lang ba ng basta? Napkin... napkin ng babae. Baka pagkamalan ako. Teka pwede ba 'yun? Pagkamalan na ako ang dinudugo?

=_____=

No choice. Dumampot na ako kahit pagtinginan ako. Takte 'yan, nakakabading. Ngayon ko lang ginawa 'to. Dapat masulit.

"Wow, ang bait naman ni Sir. Para po sa girlfriend n'yo?" pang-uusisa sa akin nung babae sa cashier.

"Uh... yeah." ^___^a

Girlfriend ko. Haha. Girlfriend ko si Cris. Hayaan na, di naman niya malalaman. Mas gusto kong ipangalandakang girlfriend ko siya sa maraming tao kahit hindi naman. Masarap sa pakiramdam eh.

"Cris! Cris?" kinatok ko pa yung banyo ng mga babae.

Tapos may lumabas na isa. Tinignan ako na parang ang manyak-manyak ko. Takte naman. Di ba niya nakikitang may dala akong tampon?

Nakakahiya. >___>

"Cris?"

"Oy." Nakasilip siya sa may pintuan.

Nakangiti kong inabot sa kanya ang plastik. "Heto na oh." ^__^

Kinuha lang niya iyon ng walang imik at pumasok ulit sa loob. Naghintay ako doon. Lalabas siya di ba? Wala naman siguro siyang matatakasan do'n? Wala naman sigurong butas ang toilet bowl na pwede niyang lusutan?

League Of The Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon