Thirty Five - After Party - Leave

5.6K 70 6
                                    

Thirty Five

After Party – Leave

 

 

(Lhia’s POV)

 

“So get out get out get out of my head.
And fall into my arms instead.
I don’t I don’t, don’t know what it is.
But I need that one thing.
Yeah you’ve got that one thing.”

- Cris

            Porke ba bata kailangan ko talagang laging maging huli? Ang sama n’yo ah! Bakit ako ang huli? Dapat by height ‘to! Una mga pandak. Chibi kami ni b1 dapat kami una. xD

            Gravy! Ang daming tao kaso puro ata sila mga lango sa alak. Mwahaha, si Clyde lang ang nakita kong hindi tumikim sa alak. Si Yuri kasi nakita ko uminom ‘yan kanina. Ako lasing na ng konti pero keri bumbum pa. :P

            Eh teka ba’t ganun? Ako nagke-kwento sa kanila, yung mga chapters nila hindi? Ang saklap ng last ah. (_ _") H’wag magpapakita sa akin ang author nito tatalupan ko siya ng buhay. Lagi na lang ako ang kinakawawa eh. TT^TT

“Now I’m climbing the walls.
But you don’t notice at all.
That I’m going out of my mind
Yeah all day and all night.”

- Jhem

            H’wag n’yong itanong sa akin kung sinong pumili ng kanta dahil sigurado akong si peke ‘yan. Siya lang ang malakas ang fad sa mga banda. Trip niya raw maging manager ng isang banda eh. Tawa na lang. XD

            Palibhasa gusto sa mga gwapo. Speaking of wafuuuu…

            Hang wafu ni Kuya Cody kuuuuu. *____*

                 “Bilis!” ay peste nakabulyaw na naman.

                 “Maghintay pwede? Sandali ah! Sorry naman eh makupad ako eh! Gaan kasi ng bag mo, dali lang buhatin eh!” kakairita siya! Pinagbuhat na nga niya ako ng bag niyang kung anu-ano ang laman tas eto pa? Grr!

                 “I really wonder kung sa’n mo nakukuha ‘yang guts mong sumagot sa akin. Di ka ba natatakot na tanggalin kita sa trabaho?”

                 “No.”

            Huminto siya. Eh hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya naman hindi ko expected na tumigil siya so I bumped into his back. Napipi tuloy yung ilong ko! Amf! Pango na nga lalo pang papango ‘to eh!

                 “Ano bang problema mo?”

League Of The Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon