Isa lang masasabe ko, pasensya po in advance! Haha.
Dahil sa chapter na ito, nakalimutan ko saglet yung lungkot na nararamdaman ko.
Ayoko muna maging emotional kasi alam kong masaya maging member dito sa watty.
Salamat po sa mga sumusupport at sa new readers.
Kayo po nagganyak saken na ituloy ko tong story na to.
Enjoooooy!
_______________________________________________________________________________
"Athena, nakita ko si Third may kasamang babae. Magkaholding hands pa!"
"Ha? Saan? Kilala mo ba yung girl?"
"Hindi eh pero maganda, sexy tsaka parang mas matanda nga lang sa kanya.
Nandun sila sa corridor malapet sa school gym."
Agad naman kame nagpunta.
Habang naglalakad, kumakabog dibdib ko.
Sa di mapaliwanag na dahilan, naiiyak ako.
Panu kung totoo nga? Panu kung may iba na pala sya?
"See? Niloloko ka lang ng lalaking yun. Nagawa nya pang makipagholding hands kahet alam nyang anytime pwedeng may makakita sa kanila at sabihin sayo."
"Hindi naman siguro girls."
"Athena wag ka nga magbulag bulagan jan! Kita mo na nga ang pruweba diba?"
Oo nakikita ko ngayon mismo.
Magkahawak kamay sila at nagtatawanan.
Tingin ko hindi ako niloloko ni Third
Malamang, yung babae yung nagbigay ng motibo kaya nya nagagawa yan ngayon.
"Aalis na ko."
"Hey you! Wag mo sabihing papalampasin mo lang yan? Hindi mo ba susugudin at sasampalin? Ang kapal ng muka nyang saktan ka."
"Hindi ako naniniwala na may something sa kanila. Kilala ko si Third, di nya magagawa saken ang binibintang niyo."
"Hindi? Eh ano yan? Palabas lang? Kung di mo magagawang ipagtanggol sarili mo, kame na lang gagawa nun para sayo."
"Please wag naman girls! Mas lalong di ko matatanggap na magalet kayo sa kanya to the point na aawayin nyo sya sa harap ng madameng tao."
"Mas iniisip mo pa din yung lagay nya? Wag namen sya puntahan para hindi sya mapahiya sa makakakita? Tandaan mo Athena, hindi tinatapakan ang pride."
Kahet alam kong tama sila, ayaw maniwala ng isip at puso ko.
Hindi ko magawang isipin na magagawa nya saken tong mga nakikita ko.
"Athena, alam namen mahal mo sya pero hindi kame papayag na basta ka na lang nya gaguhin."
"Isang beses ka ng nasaktan, hindi ka namen iniwan. Ngayon nanyayare nanaman, mas lalong hindi ka namen basta lang papabayaan."
Tama sila! Sila yun kasama ko nung mga panahon na walang wala ako.
Ngumangawa, humahagulgol sa harap nila.
Sa mga ganitong sitwasyon, mas alam nila kung anong dapat gawin.
Habang hila hila nila ang kamay ko papunta sa kung nasang lugar si third at ang babaeng impakta
Hindi ko alam kung ano irereact ko habang papalapit sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
BITTERNESS is next to UGLINESS
RomanceBitter ka man sa paningin ng iba.. Ayaan mo na sila. Susura ng mga mukha nila. Magsama sama sila! :))))))))