“Oh eto lamunin nyo creeps ko! Hahahaha”
“Hanep pre! Ang kunat ng mga alagad mo.”
“Hindi yan makunat, sadyang mahihina lang kayo.”
“Yabang! Bute na lang malakas gamet kong hero.”
“Tae si Traxex ba yung sinasabi mong malakas? Eh wala pa yan sa hinliliit ni Earthshaker ko. Uwe na kayo mga pulahan ang buhay! Bwahahaha”
“Epal ka, Lee! Mababasag ko din yang kampo mo. Sa basurahan pupulutin yang Earthshaker mo!”
“Sige, sa panaginip nyo mga ungas!!”
Ansarap talaga sa pakiramdam kapag naghahari sa dota.
Yung palagi mong natatalo mga kalaban mo tapos sasamahan mo pa ng nakakaasar na mga salitang ipambubwisit mo sa kanila.
Trashtalk. Bukod sa dota, jan lang naman ako magaling.
Nakilala na nga ata akong matalas ang dila sa pakikipagsagutan.
Hindi naman makukumpleto ang pagdodota kung walang halong asaran.
Kung may mapipikon, mas okay. Mas masaya.
Matagal tagal na din akong bumalik sa ganitong set-up.
Simula nung nawala yung taong nagpapaintindi saken na walang mapapalang matino sa paglalaro ko ng ganito.
Nagsimula akong bumalik nung mawala yung taong nagpatino sa magulo kong pagkatao.
Siya lang nag-ayos ng buhay ko.
Kahet di nya ako pinagbabawalan dati, sya lang sinunod kong babae.
Alam ng lahat kung sino yung taong sinasabe ko.
Ang babaeng nagbigay inspirasyon saken simula nung tumuntong ako ng hayskul.
Nakilala ko sya sa panahong nagsisimula na akong magbinata.
Bata pa nga kame kung iisipin pero ramdam ko yung pagkahanga sa kanya.
Hanggang ngayon di ko pa din sya magawang bitawan.
Lalo na ngayong nababalitaan kong sa isang walang kwentang lalake lang sya mapapadpad.
Na puro pa-cute lang ang alam.
Wala naman binatbat.
Lagpas isang buwan na din ang nakalipas nung huling nakita ko ang taong yun.
Hindi ko makakalimutan yung pagkamulala nung dating nya saken.
Puros salita, hindi man lang lumaban nung hinamon ko ng suntukan.
Di ako nagyayabang. Pinapatunayan ko lang kung sino ang mas nararapat kay Athena.
At sa kinilos nya, ako ang nagwagi walang duda.
“Gag* ka Lee! Buwaya ka talaga.”
“Compliment ba yan o nang-aasar ka lang?”
“Walang makakatalo sayo sa dota. Eto na nga ang panalo mo sa pustahan.”
“Mga loko-loko! Hindi nyo lang siguro gamay yung gamit nyong hero kaya akala nyo magaleng ako. Pero ayos na din to may pang-computer nanaman ako. Hahahaha”
“Tama na yan, pre! Tutal madame ka namang pera tara inom na lang tayo.”
“Ungas! Hindi ko sasayangin tong pera ko sa alak na ginagawa nyo lang tubig.”
“Sa tingin mo may mapapala ka din sa kaka-computer mo? Tara na pre, parang di ka naman lalake.”
Tama nga naman sila.
BINABASA MO ANG
BITTERNESS is next to UGLINESS
RomantizmBitter ka man sa paningin ng iba.. Ayaan mo na sila. Susura ng mga mukha nila. Magsama sama sila! :))))))))