Revise revise din. Haha
Grabe, nagtagal ako dito. Anhirap kase.
Gusto ko sana paikliin pero siksik. Kaya lang hindi kinaya.
Sana kahet patapos na, magustuhan mo pa din. ^____^
_____________________________________________________________________________
Athena’s Pov
I’ve fallen from trees and never broke a single bone in my body. When I fell in love with you.. You broke my ♥.
“Baket ka ba nagpabasa sa ulan ha? Hindi ka pa nagpaalam. Tsss”
[ Si Bogs. Naglalakad kame pabalek ng hotel. ]
“Ayos lang ako.”
“Ayos daw. Ano bang nanyare?”
“Lumabas lang naman ako. Magpapahangin. Kaya lang umulan eh.”
“Bat hindi ka sumilong? Tignan mo kaya yang ichura mo ngayon. Pinag-alala mo kame, lalo na ko.”
“Hindi naman ako napano eh. Bat kelangan pa mag-alala?”
“Kakasabi ko lang sayo kanina na from now on Kuya mo na ko diba? Pumayag ka naman tapos sabe mo pa nga ako una mong sasabihan pag may problema ka..”
Sometimes when I say I’m okay, I want someone to look me in the eyes, hug me tight and say I KNOW YOU ARE NOT. :|
Pero kahet anong gawin ko, kahet madameng tao na ang nagpapakita ng pag-aalala saken, hindi pa din matutumbasan yung kagustuhan kong mabigyan ng halaga at importansya mula sa taong mahal ko. At alam mo bang iyon ang pinakamasaket sa lahat? T____T
“Hindi pa tapos ang party, umalis ka na. Sana man lang sinabihan mo ko.”
[ Nandito na kame ngayon sa isang hall malapet sa venue. Nakaupo sa lapag habang pinapagalitan nya ko. Mas onte ang tao na hindi naman namen kakilala at yon ang mas ikinagaan ng pakiramdam ko. ]
“K. My fault.”
“Talaga!”
“I’m sorry.”
“Teka, umiyak ka ba?”
[ Pinunasan ko yung buong muka ko para hindi nya mahalata. ]
“Hindi, nabasa lang ng ulan.”
“Hindi siguro..”
“Di wag ka maniwala!”
“Hindi talaga! Alam ko.”
[ Sa ganitong sitwasyon ayoko munang mabuko. Tsss ]
“Oh natahimik ka? Sabe na nga ba eh.”
“Bumalik sya.”
“Sino?”
“Si Third.”
“Oh talaga? Nasan sya? Nagkita ba kayo kaya lumabas ka?”
“Oo nagkita kame pero hindi planado. Nagulat nga ako nung nakita ko na sya. At sa sobrang gulat ko niyakap ko pa. Napaiyak at the same time natuwa ako. Kase akala ko masasagot na lahat ng tanong na gumugulo sa isip ko. Na akala ko..”
[ Kahet lagpas isang oras na nakakalipas ng mga nanyare, ang fresh fresh pa din sa feeling. Parang isang segundo lang ang pagitan. ]
“Akala mo ano..?”
BINABASA MO ANG
BITTERNESS is next to UGLINESS
RomanceBitter ka man sa paningin ng iba.. Ayaan mo na sila. Susura ng mga mukha nila. Magsama sama sila! :))))))))