Dapat kahapon pa to eh, kaya lang nakatulog ako ng maaga. At bago yun! XD
Magdo-double time na talaga ako. Haha
Enjoy! (:
____________________________________________________________________________
“Hindi ako susuko sayo, Athena. Hindi ako titigil hanggat mapatawad mo ko.~”
Ano bang pinag-gagagawa mo ha, Lee? :-s
Umaalingawngaw pa rin sa tenga ko yung huling mga salita na binitawan nya bago ako tuluyang umales sa harap nya. Para bang sa pamamagitan nun mas naparamdam nya saken na sigurado sya sa gagawin nya.
Seryoso, desidido at diretso.
Sino ba ako para pag-aksayahan ng oras o minuto? Diba nga nagawa nya na kong balewalain at lokohin nung una pa lang, edi mas malaki ang posibilidad na magagawa nya ule sa pangalawa, pangatlo or napakaraming pagkakataon pa.
Ano bat napaka-halaga para sa kanya na mapatawad ko? Hanggat di kame nagkaka-usap ng matino, hindi ko magegets yung punto. Sa maikling oras na nagsabe sya saken ng mga saloobin nya, isa lang ang gusto nyang paratingin.. Yun ay ang may mapatunayan sa akin, sa iba at sa sarili nya.
Hindi ko din naman sigurado pero mas malakas pa to sa kutob ko. Hindi ko na sya kilala pero mali rin namang i-judge sya basta. Malaki na ang pinagbago nya dahil ang lalaking dating kilala ko ay isang duwag at walang binatbat. Sa ginawa nya nung nakaraan, para na rin nyang tinatak sa noo nya na may isang salita sya para maipamuka sa iba na nagmaliit sa kanya.
Teka nga, bat ko ba iniisip yung tao? 2 days na din naman nakalipas nung huli nya kong pinuntahan sa school at dito sa bahay. Sigurado nasindak ko na yun kaya hindi na magtatry lumapet pa kahet isang kilometro. XD
Dahil weekends at Sunday naman tapos walang assignment or project na mapagkakaabalahan, may oras ako para humiga higa at maghihilata. Kaya nga ata nasisingit ko pang isipin yung ungas na yun eh. Pansin mo bang hobby ko na talagang mag-isip kahet nakapahinga? Kulang na lang koronahan at bigyan na ko ng award ng mga kaibigan ko sa sobrang pag-iisip. Na kahet yung pinakamaliit na bagay sinasale ko sa mga problema ko tapos magooverthinking sa huli. Wagi diba? Lol
BINABASA MO ANG
BITTERNESS is next to UGLINESS
RomantizmBitter ka man sa paningin ng iba.. Ayaan mo na sila. Susura ng mga mukha nila. Magsama sama sila! :))))))))