Iba pala talaga yung feeling kapag nasanay ka na sa dati mong ginagawa.
Katulad sa UD na to, ibang iba sya sa mga nakaraang chapters..
Kaya pakiramdam ko tuloy hindi na ko sanay at parang ampanget ng nagawa ko. XDD
Pero sana magustuhan nyo. ^____^
_______________________________________________________________________________
After one week..
“Nakakausap mo ba si Third?”
“Sensya na, Athena. Hindi kame nagkakausap eh.”
“Hm, nagkikita ba kayo ni Third?”
“Di pa. Dapat may laro kame ng basketball nung nakaraang lingo kaya lang hindi naman sya nakapunta.”
“Nagtetext man lang ba sa inyo si Third?”
“Naku, hindi nga namen ma-contact yun. Di pa nagpapakita ulet dito sa quarters.”
Pinuntahan at nilapitan ko na yung mga taong posibleng makausap ni Third. Mga kaklase, kaibigan at ka-team. Pero wala pa din. FAIL.
Isang linggo matapos ang monthsary namen at ang makasaysayang pagpo-propose nya sa school auditorium, hindi na ulet sya nagpakita saken. Hindi ko maintindihan kung ano ng nanyayare eh. Kung may nagawa ba kong mali? May kasalanan ba ako at nagtatampo sya?
“Kung nagtatampo man sya, hindi ka nya matitiis na hindi kausapin lalo na kung ganito katagal.” [ Kaibigan ko ]
“Oo nga. Natatakot na ko, sa totoo lang kinakabahan ako eh.”
“Hindi ba kayo nag-away bago to mangyare?”
“Hindi. Huling usap namen sa text pa. At never kame nag-away or nagkatampuhan.”
BINABASA MO ANG
BITTERNESS is next to UGLINESS
RomansaBitter ka man sa paningin ng iba.. Ayaan mo na sila. Susura ng mga mukha nila. Magsama sama sila! :))))))))