Hi.. Hello!
... ... ...
Okay, di ko naman talaga alam kung panu to uumpisahan. Kaya ganito kinalabasan. Eh kase naramdaman ko lang na kapag wala to hindi makukumpleto ang kwento. Kaya mabilisan at maikli lang ‘to.
First of all, may aaminin pala muna ako. Na-detect na may SEPARATION ANXIETY ako. Kaya nga kung mapapansin mo, antagal bago ko ma-publish yung Epilogue. Syempre, first story ng lola mo. Takte, hirap mag-let go. Grabe lungs! >__<
Apart from the fact na unang gawang storya ko ang BINTU, iba pa rin pala dahil kase dito kaya nagstay ako. Mula July hanggang April, 8 months tumakbo ang story [ minus na yung December na naging inactive ako ]. Sa tagal ng panahon na yun, ganun na din yung time na naging CERTIFIED WATTY USER ako. ^____^
Usually, kapag nakakatapos ng 58 chapters na may 196 pages eh dapat talaga happy diba? Baket ako iba? Emosyonal ako, creepy pero totoo. *teary-eyed*
Erase erase na nga! Bago pa tuluyang magka-iyakan, dalawang lang naman gusto kong sabihin sayo. Una syempre, SORRY sa pagiging pagong ko. Lol. Kase naman napakakupad kong mag-update tapos madame pang typo error sa mga nabasa mo. Aww, alam mo yan! Anong reason? Di pa kase ako sanay at bihasang manunulat kaya napakadaming flaws kang nakita. Ah eh, pasensya talaga! :|
Pangalawa, super duper mega dame at sagad na THANK YOU. Sa lahat lahat pati sa mga nakakachat at nakakausap ko dito. Especially sa lahat ng sumubaybay mula una hanggang huli. Kayo ang naging insperasyon kaya ko natapos to. Lalo na sa mga hindi nagsawang mag-vote at comment every chapters. [ Alam nyo kung sino kayo. Ü ] Hindi ko na iisa isahin kase baka may ma-miss ako. Automatic na nakatatak yun sa puso ko. ♥
BITTERNESS IS NEXT TO UGLINESS a.k.a BINTU
Title pa lang, ampalaya na. Bukod sa mapait, mapakla pa. Ehemmm! >:D
Unang page pa lang purong ka-bitter-an na. Di ako judgmental na tao eh at hindi ko kayang i-judge ang kapwa ko. BITTER-ish approach lang talaga ang PEG ko. XD
Ayyy naalala ko tuloy, may nagtanong saken kung natural na bitter daw ba ako. Sabe ko "minsan hindi, madalas oo". Pagtapos kong sagutin yun, napaisip naman ako. Panu ko ba nasabing ganun ako? Anong basis sa sagot ko? Ewan! Siguro dahil weirdo ako. Hahaha.
Lahat naman tayo may kapaitan sa katawan. Kung itatanggi mo, matakot ka baka hindi ka tao. Hoho. Lumalabas talaga yun at normal na maramdaman mo. Lalo na kapag naiinggit ka. Pero kung itatanggi mo pa ulet at sasabihin na never kang maiinggit sa iba, palakpakan kase PERPEKTO ka na. [ Opinyon lang po ‘to. Hihi ]
Nevertheless, being a bitter person doesn’t necessarily mean you’re bad. Hindi naten namamalayan, ito pa yung nakakapagpabute saten. Wag na wag mong isipin na kung ganyan ka, panget na agad resulta.
Let your past make you better.. Not bitter.
So trooooo! Iyan naman talaga ang main lesson neto. Kagaya nga ni Athena na nag-umpisa sa galet at tampo pero di naman sya dun basta nagpatalo. Yun pa nga nagpa-strong ng personality nya diba? At sa huli, nakita nya yung happy ending na inaasam asam din ng iba.
Kaya kung bitter ka, wag mong ikahiya. Ipagsigawa mo pa! Walang mawawala kase maganda/pogi ka. Hahahaha.
K! Andaldal ko talaga. Naubusan na ko ng espasyo at kelangan ko ng tapusin to. Mamimiss ko ang apat na tauhan ng kwento pero mas mamimiss ko kayo. Amp! Uuliten ko, thank you ng sobraaaa. Love love ko kayo talaga! :*
PS: When writing your own story, don’t let anyone else hold the pen. Para to sa mga aspiring writers katulad ko, wag tayong mawawalan ng interes at lage maging ganado.
Love,
Bertangtablado ♥
BINABASA MO ANG
BITTERNESS is next to UGLINESS
RomanceBitter ka man sa paningin ng iba.. Ayaan mo na sila. Susura ng mga mukha nila. Magsama sama sila! :))))))))