Familiar (?)

7.7K 56 21
                                    

Thanks sa lahat ng mga bumati, sobrang sarap sa puso! ♥♥

Pag nagkasaket kayo at nakuha ko na ang lisensya ko, ako na mismo mag-aalaga sa inyo. Hihi

Lately, napag-isip-isip ko na parang mejo confuse ako sa story na to.

Tatlo lang kasi characters and feeling ko time na para dagdagan ng bago. XD

Sana magustuhan nyo sya. ^___^

______________________________________________________________________________

Hindi ko naman ugaling pakialaman ang months na meron tayo sa kalendaryo, pero bigla ako nagkaron ng hindi paborito. Bukod sa April na summer, ano pat inaayawan ko na din ang September. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung panung nairita ako nung mag-umpisa ang buwan ng Setyembre sa bagong buhay ko.

Yung familiar na pakiramdam, ngayon nararanasan ko sya. Hindi ko naman maisip kung anong dahilan basta ang alam ko meron akong ginawa non na natapat sa panahon na to. Pero kung ano pa yon, special man o hindi, hanggat hindi sya nagiging malinaw sa isip ko eh hindi ko nalang din papakialaman. Makakadagdag pa kase sa mga iniisip ko. -___-

Last week ng August, inannounce samen ng prof namen na magkakaron daw ng activity at report. Okay na sana eh kaya lang may kasama pang higher year student. Panu ba namang hindi magiging okay, kakaumpisa ko palang makipag-usap sa mga bago kong kaklase eto at may bago nanaman akong makakatrabaho. Hindi pa kase totally na nagkakakuhanan kame ng loob tapos isang mas ahead saken na estudyante ang makakasalamuha ko.

“Hoy! Bat nakasimangot ka jan?” [ Sya yung bago at kaisa-isang friend ko. c: ]

O_____________o

=_____________=

“Ui kaw pala. Ginulat mo ko.”

“Ang aga aga naka-curl na yang kilay mo. Nasa malayo palang, tanaw ko agad. Hahaha”

“Hala, totoo? Sensya ha.”

“Ano bang iniisip mo at halos ikabadtrip mo na?”

“Wala naman. Naisip ko lang kase bigla yung report naten next week.”

“Tapos?”

“Hm, sana mabaet yung ka-partner ko. Haha”

“Lalaki yan tingin ko.”

“Panu mo naman nasabe?”

“Hula ko lang. Hehe”

“Sus, kala ko naman totoo na.”

“Hindi ah, posible talaga yun manyare. Kung mapapansin mo, sa isang room 70% ng students na nandun lalaki talaga ang mas marami.”

“Ah kase mas maraming guy na gusto maging lawyer.”

“You know, for them to save their ego. Chos!”

“Baket naman?”

“Kung mapapansin mo ulet, sa isang away lalo na kapag mag-boyfriend or girlfriend karamihan sa lalaki iniisip na maging superior over their partners.”

Mag 3weeks na kame magkasama, ganyan sya lage makipag-usap. Yung tipo na palage dapat may basehan. Lahat may patungkol sa lalake at babae minsan mga bagay din. Kung sino nga ba ang mas angat, kung sino ba dapat mas masunod. Matured na sya, kakatuwa. ^___^

“Hmm, wala pa ko na-encounter. Pero sabe mo nga karamihan lang naman diba.”

“Baliktad pala tayo.”

BITTERNESS is next to UGLINESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon