Have you ever wanted to ask a question but you didn’t because you knew in your heart that you wouldn’t be able to handle the answer?
TAKOT. Naranasan mo na yung ganung pakiramdam? Atat na atat kang malaman kung anong totoo at tuloy tuloy na nagpapagulo ng isip mo.. Hanggang dumating sa point na nasa mismong sitwasyon ka na, as in nasa harapan mo pa, kulang na lang yung mahiwagang tanong pero FAIL kase hindi mo pa rin ginawa. >__<
Tatlong bagay lang naman ang dapat tandaan para mapaliwanag kung panu ito mapagtatagumpayan:
1) Assess. Sa sarili mo mag-uumpisa, pakiramdaman kung ano talagang gusto mong gawin. 2) Prioritize. Importante sobra dahil ito ang magsasabe kung anu ang dapat na unahin sa lahat. Pinakamabigat yun ang pinakamahalaga. 3) Sacrifice. Laging kasama ng pagdedesisyon ang pagsasakripisyo kahet kapalit nito ay matinding sakit. Higit sa lahat, kung maayos mo itong inisip at sinunod, nasaktan ka nga pero sa huli nalagpasan mo pa rin diba? Isang bagsakan na lang kesa naman pang habang buhay kang magiging MASOKISTA.
Living proof ako pagdating dyan. Umiyak at natakot na magtanong sa taong minahal ng totoo at nagawang iwan din ako. Pero anong kayang mangyayare kung matatakot lang tayo? Sa tingin mo ba makakaya kong pabalikin yung tao na yun sa buhay ko kung hindi ko hihingin yung rason at itatanong kung minahal nya nga ba ako?
There, I just said it, I’m scared he’ll forget about me. And
terrified to fall in love again ‘cause I end up in the dust everytime everytime. :’(
EGO/PRIDE man walang magagawa kung talagang nagmamahal ka. Ibababa mo ito kung kakailanganin ng sitwasyon. Hindi magandang maging SENSITIVE sa lahat ng bagay pero hindi rin nakakabuti ang pagiging INSENSITIVE. Pinili ng puso mo na mahalin sya, hindi para ipangalandakan o ibandera lang sa iba. SIYA dahil ginusto mo. SIYA LANG dahil minamahal mo ng todo. SIYA PA RIN dahil kaya mong tumanggap at magpatawad.
Sa isang relasyon, hindi mo lamang maaaring hilingin sa kanya na unawain ka, kailangan mo ring unawain siya.
SELFISH ka kung kaya mong umarteng SINGLE sa harap ng iba. Mas mabute pang hindi ka na lang magmahal kung ipapamuka mo na mas magaling ka sa kanya. Tapos na kase tayo sa isyu kung sino ang nang-iwan at pinaka nasaktan. Hindi na mahalaga kung ganu man ito katagal. Ang importante nagawa nating makinig sa panig ng isa’t isa. Dahil kahet ano pang naging reasons mo o niya, mas mahalaga na naintindihan at naunawaan mo siya.
True love doesn’t mean being inseparable, it means being separated and nothing changes. And in this world today, we have to take chances. Sometimes they’re worth it and sometimes they’re not. But I’m telling you now, you will never know until you try.
Hindi na ko mahihiyang gawing example ang naging karanasan ko sa pag-ibig. Unang makaramdam ako ng LOVE alam ko kung ganu na ito kasaya. Pero hindi sa lahat ng oras, yung gusto ko lang ang mangyayare. Naranasan ko na masaktan dun pa sa panahong hindi ko napaghandaan. Anong ginawa ko? Tumigil ba dun ang pag-ikot ng mundo? Hindi at naging matapang ako. Dahil sa kabila ng pag-iyak at pagmumukmok, na-inlove ulet ako.
I believe that two people are connected at the heart and it doesn’t matter what you do, who you are or where you live. There are no boundaries or barriers. If two people are destined to be together.
Kinilig. Natuwa. Nainlove. Pero nandun pa rin ang umiyak ka. Normal na yun eh! After all, loving someone might mean taking risk and chances. Para sa kahuli hulihan ng love story nyo, alam nyo pareho na deserve nyo ang isa’t isa. Hindi lang dahil sa nandyan sya sa tabi mo kundi kahet nasa malayo pa ang isa, confident ka na sayo lang sya.
BINABASA MO ANG
BITTERNESS is next to UGLINESS
RomanceBitter ka man sa paningin ng iba.. Ayaan mo na sila. Susura ng mga mukha nila. Magsama sama sila! :))))))))