Happy new year ulet! :)
First update ko 'to this year eh. Kaya andame ko tuloy gustong baguhin ngayon.
Unang una, may nakapagsabi saken na antagal ko daw mag-update. [Aww!]
At ikalawa, harsh daw ang mga status ko. [Totoo ba? XD]
So ayun, ilan lang yan sa gusto kong iimprove na.
At ang aking writing skill, sana ay mapagtyagaan nyo pa. :)))
_______________________________________________________________________________
Masarap ma-inlove..
Lalo na kung araw-araw pinapatunayan nyang MAS mahal ka nya. ♥♥
We’re on our 3rd month together. :)
And masasabe kong sa bawat oras, araw at linggo na nakapaloob dito,
Kahet napuno kame ng ka-sweetan, tampuhan, tawanan at iyakan,
Mas naramdaman ko yung LOVE nya para saken.
Dumaan man kame sa ilang problema netong nagdaan na mga araw.
Oo, dahil naging selfish at selosa ako.
Nagkalabuan nga pero natututo naman diba?
Ayun yung magandang part dun eh!
Bukod sa mga aral/lesson na nagpamulat saken,
Iyon na din mismo ang nagpatibay pa ng BOND namen sa isa’t isa.
Aral na hindi ko mararanasan sa ibang tao.
Kundi sa isang lalaki lang ng buhay ko, at si Third lang naman ‘yun. ^____^
Ewan ko ba! Eto nanaman ako sa pag-iisip.
Kagaya nung last time, na nasobrahan naman.
Overgeneralization ang tawag dun eh.
I think, SAKIT na nateng mga babae yun. Haha.
Boys should understand that girls do have mood swings. Right? XD
Hindi lang yun basta pag-iiba ng emosyon eh,
Lahat yun ay may dahilan, may nakaraan at hahanap ng paraan.
Kaya, itaas ang kamay ng mga sumasang-ayon! Wooohoo! :))))
Bukod pa dun sa mga nasabe ko na,
Na hindi lang naman lahat ng ito ay patungkol sa love.
Madalas kasunod nito ay TRUST..
At recently ko lang sya natutunang gamitin ng maayos.
Yeah, alam ko! Maling maling mali ako sa elementong yon.
But you know what?! Mas masarap sa pakiramdam.
Naayos namen yung “misunderstanding” sa di inaasahang oras.
I mean ako yung mali, inintindi nya ako.
At sa huli hindi ko na kelangan mag-worry kase alam kong nanjan sya habang ako hibang na hibang. Haha
“Sino yung babaeng kausap mo kanina? Ha?”
“Ah, kapatid ng ka-team ko yun.”
“Bat ka daw kinausap?”
“Ayun ba? Kinausap nya ko para daw malaman ko na nagseselos ka, kagaya ngayon.”
“Tse! @______@”
“Joke lang. Hehe. Nagtanong lang po, wala ng iba aking prinsesa. :)”
“Good. ^_____^”
Selos ang tanging pruweba na importante ka sa isang tao.
Dahil kung hindi mo ito nararanasan sa taong mahal mo, matakot ka na. XDDD
Hindi ko na talaga mababago ang magselos eh. Amp!
Siguro sa parteng yun, exempted na ko. :P
Perhaps LOVE is like a roller coaster..
Maybe it keeps us high,
But its speed brings us closer…
Actually, para saken mas matindi pa din ang love sa kahet anong rides.
Sa rides kasi puro lang thrill, gulat at excitement..
Sa love, PUSO ang involve.
At kapag puso na ang usapan, wala ng hihigit pa na ibang bagay. ♥
Ganto na ko simula nung naging boyfriend ko sya.
Mas matured mag-isip at hindi basta magpapatalo.
At alam mo ba na sa tuwing inaaway ko sya.
Dun ko mas napapatunayan na mahal ko talaga sya.
Dati iniisip ko pa lang na magiging kame, may pag-aalangan pa ko.
Pero ngayon, sa tatlong buwan na kasama ko sya,
At sa tuwing nagcecelebrate kame ng monthsary,
Mas kina-eexcite ko pa lalo ang kung ilan pang buwan un lalampasan namen para tumagal kame ng taon.
Wala lang. Bilib kase ako sa mga magkakarelasyong umaabot sa ganung katagal.
At hindi lang to basta ingget, dahil alam kong kakayanin din namen dalawa yon. ;)
Kagaya nung 2nd monthsary, hindi kame nag-celebrate ng bongga.
Pumunta lang kame sa mall at dumirecho sa supermarket.
Alam mo kung anong magandang nanyare?
Dinala ko sya sa puro “free taste” side doon.
Ansaya kamo! Kase bukod sa nabusog at nakatipid kame,
Exceptional yung experience na ganun eh. ^____^
Tapos netong 3rd monthsary, binigyan nya ko ng necklace.
Personalized pa. Answiiit! Hihi
Sabe nya kaya daw necklace kase bukod sa mahilig ako dun,
Lagi ko pa daw gagamitin at sya ang unang taong maiisip ko na malapet lang sa puso ko.
Thump. Thump.
Sa tuwing naaalala ko yun, kumakabog ang dibdib ko.
May magic nga talaga yung poging lalaking yun.
Kase kahet hindi kame magkasama, napapa-blush ako. Ahehe
At sa dinami-dami ng mga naibigay nya saken bukod sa pagmamahal,
Syempre gustong gusto ko naman bumawi.
Tutal magpapasko na, gusto ko ako naman ang magbigay sa kanya.
Para maparamdam kong MAS mahalaga sya.
Kaya, pwede ba ko mag-ask ng favor sayo?
Okay lang ba kung tulungan mo akong umisip ng pwede sa kanya iregalo?
Simple lang naman sana ang gusto ko gawin
Unique pero rock! ^_______________^
So anu, aasahan kita ha?
BINABASA MO ANG
BITTERNESS is next to UGLINESS
RomanceBitter ka man sa paningin ng iba.. Ayaan mo na sila. Susura ng mga mukha nila. Magsama sama sila! :))))))))